12.2
"Ang hirap pala talagang ipaglaban ng nararamdaman mo sa isang tao lalo na kung matagal ka na niyang sinukuan."
CARMILLE's POV
Hindi na ako nagpahatid kay Keith sa tapat ng bahay. Nagpaalam nalang ako na sa may entrance ng sibdivision nalang ako baba. Labag man sa loob niyang doon lang ako ihatid, pumayag nalang siya. Sus! Ako pa ba? Captain Dyosa lol.
Naglakad nalang ako papasok ng subdivision papuntang bahay. Magiging tampulan na naman ako ng asar oras na makita ni Kuya Johann na kasama kong umuwi si Keith. Isa pa, baka may makakita sa amin kung anong klaseng issue pa ang simulan sa loob ng campus.
Natigil ako sa paglalakad nang mapansin na may lalakeng nakaupo sa sidewalk, sa may gate namin. Naka-indian sit siya, may palumpon ng bulaklak sa tapat niya at malayo ang tingin. Nagkalat din ang ilang bote ng in-can beer, to keep him company, I think. I inhaled deeply then went to him.
"Shawn." tawag ko sakanya.
Agad siyang lumingon at mabilis na tumayo. Inayos niya ang sarili at pinagpagan ang ripped jeans niya. Nagulat ako dahil iba ang itsura ni Shawn. Gulo-gulo ang buhok, mapungay at maga ang mga mata na parang bagong iyak. Hindi ko maiwasang hindi maawa sakanya.
"K-kanina ka pa nandiyan?" tanong ko kay Villareal.
Sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap. Sobrang tangkad niya sa akin abot dibdib niya lang ako.
"Di ba, sabi ko, delikado ang maglakad ng mag-isa lalo na kapag madilim na?" bulong niya. Mas lalo akong naawa nang mapansin ko ang malungkot na tono ng boses ni Shawn. "Di ka talaga sakin nakikinig, Carmilita ko."
Carmilita ko.
Carmilita ko.
Carmilita ko.
His words rung inside my head the moment he uttered them. Parang may kung anong umikot sa tiyan ko at may kung anong kumirot sa loob-loob ko. Unti-unti ko rin siyang niyakap at tinapik-tapik ang likod niya.
"Sorry kanina." paghingi ko ng tawad. Pinagdadasal ko na huwag niyang tanungin ang dahilan ng paglayo ko sakanya kanina. Ayoko ding malaman niya kung saan ako pumunta at kung sino ang kasama ko.
Parang patas nalang kami ni Shawn noh? Pareho kaming nagtataguan ng sikreto. Hindi ko alam kung ano ang rason ng pagsisinungaling sa akin ni Shawn, kung para ba sa kapakanan ko o anuman. Gustuhin ko man na sabihin sakanya, ayoko din namang masaktan siya at magsimula na naman ng bagong issue sa pagitan naming dalawa.
Kumalas ako sa pagkakayakap sakanya at hinarap siya. Nakayuko siya at hindi makatingin sa akin. Huminga ako ng malalim at inipon ko na ang lahat ng lakas ng loob ko para itanong sakanya ngayong gabi ang isang tanong na matagal nang bumabagabag sa utak ko.
"Shawnito ko? Nagbago na ba ang pagtingin mo sakin? Hindi na ba ako 'yung--" natigil ako sa pagsasalita. Saka ko lang na-realize na wala naman pala akong title kay Shawn kundi isang hamak na girlfriend na pwede niyang palitan anumang oras gustuhin niya.
Nilunok ko nalang ang lahat ng gusto kong sabihin at napayuko nalang din.
Naramdaman kong inabot ni Shawn ang kamay ko. Pinagmasdan niya iyon at mahigpit niya iyong hinawakan. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ang lahat o talagang totoo ang nakikita kong pagtutubig sa mga mata ni Shawn.

BINABASA MO ANG
Playing Mr. Popular's Game [BOOK 2]
Fanfiction[PMPG ; MPYASGD BOOK 2 ; BTS SUGA FANFIC by dakilangswaeg 2016] There's a game we need to play and win if we want that happy ending