2
"Hindi ko alam kung ano yung mas matagal at mabagal, yung connection ng internet namin sa bahay o yung taon na hihintayin ko para bumalik ka sa buhay ko balang araw."
CARMILLE's POV
Nakatanaw lang ako sa labas ng coffee shop habang hawak-hawak ang isang mug ng hot chocolate. Tumingin ako sa wrist watch ko, ilang minuto na ang nakalipas pero wala pa rin si Vanessa. Buti nalang at natapos ko na mga school works ko kaya free na ako ngayong Saturday. Ngayon yung araw na sinasabi ni Vanessa, nakauwi na siya at magkikita kami ngayon.
Hindi ko lang alam pero kahit na magkaibigan at maayos na ang lahat sa aming dalawa, may kung ano pa rin na bumabagabag sa akin.
"Heyya!"
Muntik ko pang mabuhos sa sahig yung chocolate drink ko. Bigla nalang kasing nang yayakap 'tong si Vanessa. Pigilan niyo ko baka mapa-swimming ko ang hito na 'to sa hot choco.
"Ba't ngayon ka lang? Pa-importante kang babaita ka!" asar ko sakanya.
Napatawa si Vanessa saka umupo sa harap ko, tinawag niya ang waiter saka umorder ng maiinom. " It's always good to be here in the Philippines! God, I missed everyone! Sorry if I am late, we're stuck in the traffic." Explain niya sa akin.
"Biglaan naman yata ang pag-uwi mo. Kasama mo bang umuwi si Kevinognog?" tanong ko.
"Kuya Kevin's at Korea with dad, he's into company training. Kami lang ni mommy ang umuwi dito to close some local deals sa business." Sagot niya sa akin.
Wala pa rin namang nagbago masyado kay Vanessa—kung meron man, umikli ang buhok neto pero mas lalo namang gumanda. Kaya hindi na talaga ako magtataka kung bakit ayaw siyang pakawalan ni Keith noon.
Nakasuot siya ng isang abot-tuhod na dress, kulay coral pink. Naka-pin lang ang buhok niya sa gilid ng tenga. Sobrang elegante ng itsura niya ngayon, kaya nahihiya nga ang outfit ko. Pero wala eh, elegante siya ako naman dyosa. Dejk.
"Kumusta ka na, Carmille? I missed you, like, for real! Wala akong naaaway sa Korea! Ayoko naman na laging tumatawag sayo dahil alam kong you're busy with your studies." Kwento niya sa akin. Nginitian niya yung waiter na nagserve ng in-order niya saka patuloy na nakidaldal sa akin.
"Ok naman ako. Dyosa pa din.'' Nakangisi kong sabi. Umasta namang nasamid si Vanessa sa sinabi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Nagkatawanan nalang kaming dalawa.
"I heard, you and Shawn's together. Is that true?" tanong niya, medyo sumeryoso ang tono ng boses niya.
"Uh, oo. Kami na ni Shawn." Sagot ko, bahagya naman akong napayuko nang sabihin ko 'yun.
Hindi naman sa kinakahiya ko yung relasyon naming dalawa ni Shawn. Ang dami na kasing napagdaanan namin ni Vanessa pagdating sa pag-ibig at Stanville Army. Ayokong isipin niya na ginagawa kong rebound ang isa pa niyang kaibigan, eh hindi naman.
Tumingin ako muli kay Vanessa. May gusto lang ako itanong.
"Kayo ni Keith? Kumusta?" hindi ko alam kung bakit pero may kung ano sa loob-loob ko na naging dahilan ng pagiging uncomfortable ko.
Napatingin sa akin si Vanessa, straight face. "What are you saying, Carmille?"
"A-alam mo na 'yun. 'yung—yung kayo."
BINABASA MO ANG
Playing Mr. Popular's Game [BOOK 2]
Fanfiction[PMPG ; MPYASGD BOOK 2 ; BTS SUGA FANFIC by dakilangswaeg 2016] There's a game we need to play and win if we want that happy ending