Yoongi 24 - Sunrise

1.6K 107 226
                                    

Yoongi 24 - Sunrise


How do I say goodbye to someone I don't want to leave in the first place?



KEITH'S POV

"Malala ang estado ng pasyente. Maraming dugo ang nawala sakanya, she broke four of her ribs. We are glad that her spine was barely stressed, kung nasobrahan sa impact, pwedeng ma-paralyze ang pasyente. Nagkaroon ng internal hemorrhage sa frontal lobe ng utak niya, pero agad naman na naagapan. Kailangan pa ng further tests para malaman kung may pamamaga ba dahil pwedeng dumagdag 'yun na panganib sa kalagayan ng pasente. As of now, I sadly announce that she's in a state of coma."


Hindi ako makahinga. Hindi ako makagalaw. Nanginginig ang buong katawan ko. Gusto kong magsalita. Gusto kong sumigaw.


"Kasalanan mo 'to, Alferez! Ikaw ang may kagagawan nito! Sana ikaw nalang ang nasa kalagayan niya ngayon! Sana ikaw nalang!"


Isang malakas na suntok ang sumalubong sa panga ko, sinabayan ng isa pang suntok sa kalamnan ko. May mga kamay na humahawak sa braso't likod ko, inaalalayan akong tumayo. 'Di ko na natandaan kung kailan ako natumba.

Mas lalo akong hindi nakahinga. May mga kamay na mahigpit na nakahawak sa leeg ko habang nakasalampak ako sa puting pader. May mga naririnig akong sumisigaw pero hindi ko na maintindihan. Pinipilit kong labanan ang mga kamay na pilit na lumalagot sa aking hininga. Sipa. Tadyak. Nilalaban ko ang mga kamay na pilit na pumapatay sa akin.

Hanggang sa makita ko ang mga mata na nakatingin sa akin--mga mata na kung makatitig para bang daig ko pa ang isang mamamatay-tao, mga matang mapanghusga, mga matang nasasaktan para sa taong mahal nila na sinaktan ko.

Hindi na ako nanlaban. Hinayaan ko nalang siyang mas higpitan pa ang pagkakahawak sa akin. Hinayaan ko nalang siya.

Dahil mukhang tama siya.

Kasalanan ko nga ang lahat.

Nilamon na ako ng dilim at nawala ang ingay sa paligid.

Tama siya.




"Hey!"

Agad akong napamulat nang maramdaman kong may malakas na yumuyugyog sa braso ko. My eyes were still adjusting to the bright light and the sound of the train brought me back to reality. Yeah, I'm still inside the train. Some of the passengers were looking at me as if I lost my mind, some were weirded out, some didn't care. Humigpit ang hawak ko sa itim kong jacket, I pulled the hoodie to cover my head. Huminga ako ng malalim, pilit na pinapakalma ang sarili ko.

May biglang nagsalita sa tabi ko. Hindi ko maintindihan because I don't speak Chinese language. Napakunot ang noo ko at nang mapansin niyang confused ako masyado sa pinagsasabi niya, agad siyang tumigil na agad ko namang pinagpapasalamat dahil sumasakit ang ulo ko sa kakasalita niya.

"Uh, I—, Uhm, Sorry. I had to wake you up a while ago. Are you okay now?" tanong niya. I can see the concern on her face, which I am slightly thankful for.

"Yeah, I'm fine. Thanks." sagot ko saka bahagyang ngumiti.

She smiled, too, and that's when I noticed the slight crinkle of happiness in her eyes. Her smiled reminded me of someone, except this girl right beside me didn't have the dimples that I missed. Napaiwas ako ng tingin.

Playing Mr. Popular's Game [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon