3
"Sa pagmulat mo, pangako, nandito pa rin ako sa harap mo."
CARMILLE's POV
"Eh hindi naman kasi yata talaga 'yun galing kay Keith eh!" sigaw ni Elize, halos sabunatan na niya si Aikee.
"Tangengot naman dis gurl! Kitabells mo ba? Gumamelabels nga 'yung ginivelalu! Sinong original na nagbibigay niyan kay Carmille ateng, odibadibs si Fafa Keith?" laban naman ni Aikee. Hawak-hawak niya yung gumamela na pinahatid sa akin ni Kuya Johann na hindi ko alam kung sino ang nagpabigay.
"Ah basta ako, sure ako hindi galing kay Keith 'yan. Hala ka ateng baka may nanakot sayo or what." pananakot naman ni Elize sa akin tapos may nalalaman pang alulong ng aso na nalalaman, pang sound effect daw.
"Paranoid naman itey! Basta ateng, aketch naman sureness na kay Fafa Keith gwapobels galing ang mga itech na red gumamelabels! Symbol of love love love niyo itey diba, bonggacious!" pag-ooppose naman ni Aikee kay Elize.
Inagaw ko nalang yung palumpon ng bulaklak kay Aikee, saka tiningnan silang dalawa ni Elize. "Alam niyo ang gulo niyo! Bakit pa ba natin pinagtutuonan ng pansin ang bagay na 'to? Hindi na gumamela ang favorite ko di ba? Santan na sabi." saway ko sakanilang dalawa.
"Ay aba? At kelan pa naging santan ang favorite mo?" tanong naman ni Elize.
"Simula nung sinurprise ako ni Shawn ng Santan hehe." medyo pabebe kong sabi, tapos kinilig-kilig pa. Ay hala.
"Jusko, pak landi ganern!" natatawang sabi ni Aikee, nagpose pa tapos pinalo ako sa braso. Grabehan talaga ang isang 'to.
Napatawa nalang kaming tatlo. Bago pumasok sa klase, tinapon ko nalang sa malapit na basurahan yung bulaklak dahil baka makita pa ni Shawn, mamaya niyan baka maging rason pa 'yun ng away namin. Sa totoo lang, hindi ko din alam kung bakit big deal sa akin ang ganoong bagay. Eh gumamela lang naman 'yun. Saka, ayoko naman nang umasa kay Keith.
Malay niyo coincidence lang pala na nagkita kami sa daan.
Coincidence lang na may nagpadala ng bulaklak.
Sawang-sawa na kasi akong umasa sa mga bagay na walang gaanong basehan.
Umagang-umaga palang haggard na ako kaagad. May laboratory experiment kasi kami for three hours, at yung iba ko pang kagrupo puro lang daldal ang alam kaya halos kalahati ng trabaho ako yung gumawa.
Pakatapos nun, dumiretso na ako kaagad sa Supreme Student Council office para gumawa ng paper works. Incumbent representative kasi ako ng college namin, kaya medyo madami-dami ang trabaho lalo na yung mga proposal eklavush. Abala ako sa pag-sort out ng mga files alphabetically ng biglang pumasok ang secretary ng SSC.
"Oh, Carmille, nandito ka pala." aniya.
Napangiti naman ako sakanya, saka nagpunas ng pawis. "Ayoko na kasing matambakan ng trabaho sa sunod kaya ginagawa ko na ng maaga. Nasan nga pala si Pres? May pinapapirmahan kasi sakanya."
"Maya maya pa 'yun dahil may meeting sa Formation Council." sagot naman niya sa akin. Babalik na sana ako sa trabaho ko nang bigla ulit siyang magsalita. Istorbo 'to ah--dejk biro lang.
"Carmille, pakilala ko nga pala sayo si Danni Bautista, siya 'yung Representative ng Business and Administration Department." Pakilala niya sa akin.
Napatingin naman ako doon sa babae na medyo artistahin ang itsura; mahaba ang buhok, maputi, tama lang ang height at bilugin ang mga mata. Ngumiti ito sa akin, at ganun din naman ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/76963864-288-k587349.jpg)
BINABASA MO ANG
Playing Mr. Popular's Game [BOOK 2]
Fanfiction[PMPG ; MPYASGD BOOK 2 ; BTS SUGA FANFIC by dakilangswaeg 2016] There's a game we need to play and win if we want that happy ending