Yoongi 15.1 - Street Lights

2.7K 212 354
                                    

15



"Alam mo kung saang banda ka nagkamali? Minahal mo siya ng sobra, kahit alam mong hindi dapat."



SHAWN VILLAREAL's POV

I stared at her as she sleeps in my bed. Vivid pa rin sa utak ko yung huling beses na natulog si Carmille sa kama ko. Nothing pretty much changed about her, except sa malalim na eyebags sa ilalim ng mata niya. She seemed too stressed out, and she's trying so hard not to make it too obvious and make everyone worried.

Inabot ko ang cellphone ko sa bulsa ko. The moment I clicked the home button, Carmille's smiling face welcomed me. Her picture was my lock screen, and I could stare at this all day. Tinext ko si Johann na inuwi ko saglit si Carmille, na dito siya kasama ko at huwag mag-alala.


Nasa biyahe palang kami pauwi kaninang tanghali, nakatulog na siya. Alas-kwatro na sa relo ko, pero hindi pa rin siya nagigising. Ayokong istorbohin siya para lang magpaalam na aalis ako saglit para sumama sa lakwatsa ng Stanville Army.

Hininaan ko ang aircon nang mapansin kong nanginginig siya sa lamig. I pulled my warm blankets over her, and tucked her in bed. Hinaplos ko ng bahagya ang buhok niya before I leaned closer and kissed her forehead.

Nagmadali akong umalis at pinagbilin ko si Carmille sa pinagkakatiwalaan naming kasambahay. I even asked our security guard to look after her and giver her anything that she needs. Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko saka pumunta sa garahe para paandarin ang sasakyan at umalis.


Hindi naman gaanong kalayo ang cafe na meet-up place ng tropa, isang simpleng coffee shop sa syudad. Kakarating lang kasi ni Xander nitong nakaraan, at nagyaya siya na magsama-sama naman daw kami kahit alam niyang medyo mahigpit ang schedule namin dahil sa academics sa university. Hindi rin naman ako nakatanggi, nakakatandang kapatid na ang turing ko kay Xander, pamilya ko na sila. Kaya hindi sakin madali na isantabi ang relasyon ko sa Stanville Army kahit na ang dami ko nang issue sakanila.


"Yo! Villareal! Dito!" Alexis hollered across the shop.


Agad naman akong lumapit sa pwesto na pinagreserve nila. Halos lahat kami nandoon, hanggang sa mapansin kong wala si Keith.

Nakaupo sa kabisera si Xander, nasa right side niya naman si Red, Jace at Seth. At sa left side niya naman, si Alexis. May dalawang bakanteng upuan sa tabi ni Alexis, sinenyasan niya akong umupo sa tabi niya.

"It's always good to see you guys around." nakangiting sabi ni Xander. "Nga pala, Shawn, sabihin mo sa counter kung anong gusto mo. This ones on me. Sayang nga lang, wala si Keith. Hindi ko siya ma-contact." dagdag pa niya.


Tumango naman ako sakanya. May lumapit na waiter at sinabi ko sakanya ang order ko. Di nagtagal, unti-unting napuno ng usapan ang table namin sa pangunguna na rin ng pag-iingay ni Alexis at Jace.

"Ikaw, Shawn, kumusta? Ilang beses tayong nagkakausap sa skype pero hindi mo man lang nakwento ang relasyon niyo ni Carmille." panimula ni Xander.

Nang marinig ng lahat ang pangalan ni Carmille, everyone turned their heads on me. Para akong nasa interrogation.

"We're doing fine." sabi ko.

Napaismid naman si Seth sa sinabi ko, "Ba't hindi mo masabi sakanila kung paano mo ginagago si Carmille?"

Playing Mr. Popular's Game [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon