Yoongi 26 - Ruins
Learning how to let it go, dealing with it on my own
Song: Malibu Nights - LANY
KEITH'S POV
Disappointed and a devastated. That's what I felt. I dragged my feet back towards the almost crowded coffee shop. I slumped on my seat, frustrated. Inabot ko ang Iced Americano na nakalapag sa mesa at napabuntong-hininga.
"Calix, you okay, bro?" tanong nila sa akin.
Napatingin ako sakanila, "The barista called her. Tinatawag niya si Carmille, she was here." I know, even myself agreed that I sounded crazy.
These two knows a part of my story, but not the whole of it. Ayaw ko pa silang i-indulge sa buong nakaraan at buong buhay ko. I don't trust them enough as much as I trust my previous squad. Napainom ulit ako ng kape nang maalala ko ang Stanville Army. Nalala ko, tuwing nasa coffee shop kami, napupuno ng ingay ang buong paligid to the point na pinagtitinginan na kami ng ibang customer. I used to hate my friends' noises, their boisterous laughters and snide remarks, but right now, it's one of the things that makes me want to run back where I consider myself home.
Nagkatinginan silang dalawa, "Dude, Camille 'yung narinig ko hindi Carmille." pagtatama ni June sa akin. "Alam mo, Calix, if you're this worked up on your girl, ba't 'di mo siya puntahan? HK and Philippines is just a few hours away." nakangisi niyang sabi.
I sighed, "As if my sister would allow me to go."
"At sino namang nagsabi na magpapaalam ka sa control freak mong kapatid?" gatong naman ni Bobby. My ears shot up with interest.
The idea of being deviant once again is thrilling me.
Nang matapos ang klase ko, mas pinili kong magpahinga muna sa bahay ngayong araw at bukas nalang pumunta sa studio para tapusin ang isang project. Magdamag na rin naman akong nag-asikaso ng project na 'yun, I deserve a rest at this rate. Nang makapasok ako sa lobby, agad kong napansin si Sola at ang sandamakmak na paper bags na hawak niya. She most probably went to the grocery herself.
I sighed as I walked towards her, fetching a few bags from her arms and helping her carry them. Gulat siya sa ginawa ko, halata sa nanlalaki niyang mga mata at bahagyang pag-awang ng bibig niya. Too dramatic.
"Akala ko mags-stay ka sa studio mo ngayon?" tanong niya nang makapasok kami sa loob ng elevator.
Umiling-iling ako. "Not in the mood."
"Pano mo tatapusin yung music project mo?"
"I don't make music when I'm not in the mood. Ayokong masira ang piyesa ko." sagot ko.
Nang makarating kami sa loob ng condominium unit namin, agad kong narinig ang tunog ng isang video game sa living room area. Nilapag ko ang lahat ng groceries sa mesa sa kusina saka dumiretso sa living room. Doon ko nadatnan si Shawn.
Hindi niya napansin nung una ang presensya ko. Abala siya sa paglalaro at bahagya niya lang akong tiningnan nang makahanap siya ng tiempo mula sa paglalaro. When the game was over, he set the controller down and looked at me, amusement in his eyes.
"Gusto mo maglaro?" tanong niya sa akin.
Umiling-iling ako. Hindi ako interesado.
Umupo ako sa bakanteng sofa at tumingin sakanya. Ito yata ang kauna-unahang nagkasama kami ni Villareal sa isang lugar na kaming dalawa lang. Noon kasi halos hindi ko masikmura ang presence niya, halos gusto ko siyang bugbugin at bangasan sa mukha. This is the first time we seemed civilised persons in one room with just the two of us.
BINABASA MO ANG
Playing Mr. Popular's Game [BOOK 2]
Fanfiction[PMPG ; MPYASGD BOOK 2 ; BTS SUGA FANFIC by dakilangswaeg 2016] There's a game we need to play and win if we want that happy ending