Yoongi 19.2 - Happiness
"This is us, starting over our love story again together"
CARMILLE's POV
"So? Pupunta kayo sa birthday ko?" masayang tanong ni Alexis habang inilapag niya sa mesa ang tray na puno ng in-order niyang pagkain.
"Ano bang handa mo maliban sa damo?" pang-aasar ko dahilan para matawa ang buong Stanville Army. Minsan talaga gusto ko ding sapakin ang bibig ko dahil hindi ko mapigilang hindi pag-tripan ang mga gunggong. "Sana naman may mixtape na handa diyan." dagdag ko pa.
Sinamaan ako ng tingin ni Vera at agad naman akong nag-peace sign sakanya. Umupo siya tabi ko at agad kong sinandal ang ulo ko sa balikat niya para maglambing. Hindi naman ako natitiis nito ni Alexis eh. Napansin ko naman ang bahagyang pagngiti ni Alexis saka niya pabirong pinitik ang noo ko. Gago 'to.
"Basta nga huwag niyong kakalimutan ah, sa February 18. Magpapa-party ako. Feeling mayora si Mama kaya iinvite niya din daw mga kaibigan niya sa negosyo kaya tangina makikita ko ang mga gumawa sa inyo." announce ni Alexis. Qngina dinamay pa mga magulang namin.
"Anong oras ba?" tanong ni Jace.
"Basta bibigyan ko naman kayong invitation. Wag excited." sagot ni Alexis.
"Kami pa talaga excited? Ikaw 'tong nag-aannounce diyan ng sobrang aga." bara ni Seth rason para makatanggap siya ng mahinang suntok sa braso mula kay Vera.
"Syempre excited! Eh, pinayagan kasi si Lia ng therapist niya na um-attend ng party. Naging successful kasi ang result ng therapy at counseling niya." masayang tugon ni Vera. "Her presence will make that day special." dagdag ni Alexis.
Napangiti kami kay Vera. Saksi naman kasi kaming lahat sa pagiging consistent niya kay Lia. Napagsasabay niya ang pag-aaral at pagsama kay Lia sa ibang therapy appointments nito. Kaya kung meron man dito na deserving mabigyan ng Loyalty Award, si Alexis 'yun. Masaya ako dahil unti-unting nakakamit ni Alexis ang kasiyahan na deserve niya.
"Okay, okay! Stoplalu na us sa AleLia—"
"Alelia?"
"Ship name ni Vera at Lia." sagot ni Aikee na para bang masyadong obvious na bagay 'yun. Malawak na napangiti si Alexis. Ang saya naman ng gago.
"Ano itey naririnig ko sa campus? May niligawan daw si Fafa Keith at base naman sa pamumula ni ate girl ditey na nasa harap ko na nagngangalang Carmile habalalu ng hair Ocampo, confirmed na totoo nga ang chismax! Amazing this talaga. Happiness!" masyadong high-pitch ang boses ni Aikee nang ikwento niya yun at with matching palakpak pa ang baklita.
Hindi na naman naiwasan nina Alexis at Jace ang pagiging extra kaya sumigaw-sigaw ang dalawa na parang mga namamatay na parrot. Si Seth naman pasimpleng nag-iingay gamit ang steel chopsticks na ginawang drumstick sa mesa, feeling rakista naman 'to. Grabe naman ang tawa nina Elize at Aikee.
How did I even put up being with these extra dorks? Buti nalang talaga mahaba ang buhok ko, I mean, pasensya pala lmao. Napagtitinginan na kami ng ibang nasa cafeteria pero hinahayaan nalang nila kami dahil sanay naman sila na maingay ang table namin. Sanayan nalang talaga mga bes.
"Hoy, masyado kayong chismosa! Grabe, ano—uh, h-hindi naman sa ano...basta ano kasi—hoy tangina kasi makinig muna kayo!" hindi talaga nagpapapigil ang anim. Mas lalo lang nila akong inasar dahil ang defensive ko daw.
BINABASA MO ANG
Playing Mr. Popular's Game [BOOK 2]
Fanfiction[PMPG ; MPYASGD BOOK 2 ; BTS SUGA FANFIC by dakilangswaeg 2016] There's a game we need to play and win if we want that happy ending