Yoongi 6 - Wings

4.9K 318 790
                                    

6


"Hindi porket iniwan kita noon, ay kinalimutan na kita."



CARMILLE's POV

"Okay, so ganun ang role ng enzyme sa katawan. Did you get it class? Do you have questions or clarifications?" tanong ng teacher namin sa Cell and Molecular Biology


Nakatulala lang ako sa kawalan habang tumatango-tango sa tanong ni Ma'am. Oo nalang kahit wala naman talaga akong naintindihan sa nilesson namin ngayong araw. Nasa malayo ang diwa ko, hindi ako makafocus.

Ilang araw na ang nakalipas, parang wala pa rin ako sa sarili mula nung makita kong may ibang kasama si Shawn sa mall.


"That will be all for today. You are early dismissed. Don't forget to study chapters 4 and 5 on your reference book." remind sa amin ni Ma'am habang ini-erase niya ang mga nakasulat sa white board.


Walang gana kong inayos ang mga notes kong hindi ko naman ginamit, ni hindi nga ako nakapag-recite dito sa major subject kong 'to. Ang dami kong iniisip lalong-lalo na yung sa amin ni Shawn. Nababahala ako ng sobra.

Hindi ko sinabi sakanila Aikee, Elize at ilang Stanville Army ang nakita ko sa mall. Ayoko naman kasing i-judge si Shawn kaagad, malay ko naman kung pinsan niya pala yun o kaya naman kaklase niya. Kung meron mang nakakaalam sa tunay nangyari sa pagitan namin ni Shawn--ako at si Keith lang 'yun.

Ilang araw na din kaming hindi nakikita ni Shawn dito sa campus, hindi na din niya ako hinahatid o kaya sinusundo, hindi kami nag-uusap at sini-seen niya lang ang mga messages ko sakanya. Pero kahit ganun hindi ako umabot sa puntong sumuko ako. Ganun naman eh, ako naman yung laging hindi sumusuko, ako pa rin naman 'yung dating Carmille na laban lang ng laban.


Lumabas ako ng classroom, para na siguro akong zombie sa itsura ko. Pwede na akong i-cast bilang zombi sa part two ng Train to Busan o kaya naman maging extra sa MV ng Like Oh-Ahh ng Twice. Anyway, dumiretso na ako sa may locker's area para iwan ang mga gamit ko bago ako pumunta sa Student Council's Office. May ipapagawa daw sa akin ang president ng SC.

Natigilan ako agad sa paglalakad nang makita ko siyang nag-aayos ng locker niya. Hindi na ako nagdalawang-isip na lapitan siya. Agad ko siyang binack-hug ng sobrang higpit. Alam kong nagulat siya sa ginawa niya dahil naramdaman ko kung paano siya natigilan sa ginagawa niya.

Hinawakan ni Shawn ang kamay kong nakayap sa may bewang niya, saka niya ito dahan-dahang inalis. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Ganito pala ang pakiramdam ng na-reject. Ganito pala. Tangina.

"Ano kailangan mo?" nanlamig ako bigla sa boses niya na halos hindi ako kaagad nakasagot.

"Ah-uhmm, a-ano, gusto ko lang s-sanang tingnan k-kung okay ka. N-nagaalala kasi ako na b-baka--"

"Okay naman ako kaya wala nang rason para icheck mo pa ko." rason niya.

Napabuntong-hininga nalang ako. Akala ko magiging matino siyang kausap ngayon--hindi pa rin pala. Ewan ko ba kung anong klaseng halo-halo ang kinain niya at nagkakaganito siya ngayon. Ako na nga itong nagrereach out sakanya pero siya naman 'yung laging lumalayo.

"May gagawin ka pa ba mamaya? Punta tayo dun sa--" hindi niya tinapos ang sasabihin ko.

"Busy ako. May tinatapos akong project." aniya.

Playing Mr. Popular's Game [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon