Yoongi 27 - Home

1.2K 75 54
                                    

Yoongi 27 - Home



'Di ko alam na posible palang mahulog muli sa taong minamahal mo na.



KEITH'S POV

Don't think about it anymore. Pabayaan mo na. Paulit-ulit kong bulong sa sarili ko. Alam kong ang hirap pa rin talaga paniwalaan ng nangyari nung isang araw sa pagitan namin nina Jace at lalong-lalo na ni Seth. I tried brushing it off, convincing myself to stop overthinking things. Kung ganun ang gusto nila, ganun ang ibibigay ko.


My train of thoughts halted when I heard noises outside my room despite having my earphones on full volume. Inalis ko ang earphone ko, medyo nairita dahil sa ingay at istorbo, saka pinag-aralan kung kanino nanggagaling ang boses sa labas. I can only point out my mom, dad and my mom's caregiver's voice, the rest were unfamiliar. Sinuot ko ang indoor slipper ko at lumabas ng kwarto, natagpuan ko sila Mama, Papa at ilang lalakeng may dala-dalang malaking box.

Mom was speaking mandarin and by the looks of it, she's directing and pointing out something on the living room's wall. Sinundan ko ng tingin ang tinuturo ni Mama, at doon ko nakita ang isang malaking family portrait naming apat. Kinakabit ng dalawang lalake ang framed portrait namin sa pader.

"Calix," napalingon ako nang tawagin ako ni Mama, "Nagustuhan mo ba?" tanong niya habang nakangiti.

Tumango-tango ako at lumapit kung saan nakapwesto ang wheelchair niya, "Mhmm. Nice. You look beautiful in there." puri ko saka ko hinalikan ang noo ni Mama.

"'That's what I told her, too." Dad agrees, chuckling while walking towards us. "Nagpumilit talaga 'yang Mama mo na ilagay na kaagad 'yang portrait dito sa condo, para daw magmukhang 'bahay' na talaga natin 'to." kwento niya, quoting the word bahay with his fingers.

Pinagmasdan ko ang litrato, nagcomplement naman ang gray background ng picture sa kulay ng dingding. This was taken a few months after I fully decided that I will live with my real family. Nakaupo sa isang cushion ang mga magulang namin habang nakatayo naman kami ni Danni sa likod nilang dalawa. Nakakasilaw ang ngiti nila Mama at Papa, tipid man ang mga ngiti ni Danni, halata sa kinang ng mga mata niya ang nararamdaman niya nang mga oras na 'yun. I was sporting a nice smile in the photo, my arm draped over my dad's shoulder, the other holding Danni's waist. We really look like a real family in the photo. Despite being included in the family photo, I still can't understand why it doesn't feel like I completely belong here. Ewan, siguro dahil hindi pa ako gaanong nakaka-adjust. Baka nga.

"Nami-miss mo rin ba sila? Ang mga Alferez?" tanong bigla ni Mama.

Tumango-tango ako, "I do miss them. Forgetting them wasn't easy."


Mom and I started talking about random things, about my university, my project, her therapy, a few tales about my early childhood before I was sent for adoption. Hindi naman talaga mahirap pakisamahan ang totoo kong pamilya, masyado silang maalaga, maalalahanin at mapagmahal. Sobra akong nagpapasalamat na nakilala ko ang mga totoo kong pamilya. Kaso nga lang, mahirap din para sa akin bitawan ang mga alaala ko bilang anak ng mga Alferez. Naging parte na sila ng buhay ko.

"Okay, di ba sabi mo wala kang pasok sa biyernes. Long weekend for you. Why don't you have a trip back to the Philippines and visit them?"

"Wait. Talaga? Papayagan mo ko, Ma?" I asked, starting to sound like an excited kid.

Napatawa si Mama sa inaakto ko, "Mm-hmm, why not? Wala namang masama kung bibisitahin mo sila at mga kaibigan mo--"

"That's a bad idea. No." napatingin kami ni Mama sa nagsalita. Sino pa ba. "Mom, please stop babying and spoiling Calix." reklamo ni Danni habang sinusuot ang pointed three-inch heels niya sa sofa.

Playing Mr. Popular's Game [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon