Yoongi 9 - Spring

4.7K 304 681
                                    

9


Whenever I hold your hand, it's as if I have the whole world in my palms.

Ppo


CARMILLE's POV


"Nice job, everyone! Panigurado, mananalo tayo sa Theatre Arts Category. See you all tomorrow!" sigaw ng stage director.

Nagbow kaming lahat sakanya saka nagpasalamat. Buti naman tapos na ang practice para sa stage play namin ni Seth. Ikakamatay ko na talaga itong ginagawa kong 'to. Nakatapos na kami ng ilang scene, kaunting kembot at polish nalang matatapos na namin 'to. Kung noon ayaw na ayaw kong magpractice, ngayon parang gusto ko na ang ginagawa ko. Kapag nasa practice, nakatuon lang ang atensyon ko sa acts at dialogue, nakakalimutan ko lahat ng problema na meron ako.

Lalo na 'yung sa amin ni Shawn.

Napabuntong-hininga nalang ako nang maalala ko na naman si Shawn. Nakalipas na ang ilang linggo pero wala pa ring pagbabago sa estado naming dalawa. Kapag nagkakasalubong kami sa hallway, parang wala lang. Wala na kaming communication, at nakaksama ko lang siya kapag kasama ko din ang Stanville Army. Hindi kami nagkikibuan. Mukhang blocked ako sa lahat ng accounts niya at hindi na talaga kami nagkakausap.


Pero kahit ganun, umaasa pa rin akong magkakaayos kaming dalawa.

Lalo na't malapit na ang 11th monthsary namin.


Isang kamay ang biglang humigit sa akin at hinarap ako patungo sakanya. Nagulat nalang ako dahil pinupunasan ako ng pawis ng nagiisang Seth Javier lang naman. Hala, ano kinain netong ilong na 'to? Bat mabait sa akin?

"Sabing huwag magpatuyo ng pawis, di ba? Tigas ng bungo eh noh?" saway niya sa akin habang pinupunasan ang noo at leeg ko ng puting mini towel.

Sinamaan ko nalang siya ng tingin. Kung meron mang magandang nangyari sa mga panahon na hindi kami naguusap ni Shawn, 'yun ay ang pagiging mas malapit ko sakanila Alexis, Jace at lalong-lalo na kay Seth. Sila yung lagi kong nakakasama, 'yung karamay ko palagi. Sila yung mga nagpapatawa sa akin kapag nakikita nilang stress na ako sa pamumuhay ko, sila yung nanlilibre at nagpapalamon sa akin kapag napapansin nilang iniisip ko na naman si Villareal. Sila, lalo na si Seth, yung laging nandyan para sa akin.

"Oy babae!" sigaw niya bigla.

I returned to my senses. Kanina pa pala siya nagsasalita, di ko naman pinapakinggan. Ano ba yan, ang dami ko kasing iniisip.

"A-ano?" lutang na tanong ko.

"Sabi ko, kung pwede mong ilibre ang gwapong tulad ko ng lamb skewers." sagot niya naman.

Napakunot ang noo ko, "Bat naman kita ililibre? Dun ka nalang kay Yugyeom o kaya kay Mingyu magpalibre."

"Mas sumasarap kaya ang pagkain kapag ikaw ang kasama ko." aniya habang nakapout.

Inirapan ko si Javier. Tanginang 'to dinadaan ako sa pagpapacute. Piningot ko ang ilong niya. "Hindi mo ko magagago." nakangisi kong sabi saka binelatan siya. Dali-dali kong kinuha ang bag at mga gamit ko saka lumabas ng theatre hall, baka sundan pa ako nun.


I sighed in relief when I reached the hallways. Napalingon ako para icheck kung sumunod si Seth, buti naman at hindi. Napangiti ako sa masayang naglakad papunta sa Student Council Office. Dun ko nalang tatapusin 'yung ibang projects ko, ayoko munang umuwi sa bahay tutal maaga pa naman.


Nadaanan ko ang university student's lounge at napatigil ako nang makita ko silang dalawa.


Si Keith at Shawn. Mukhang naglalaro ng chess ang dalawa. Kasama din pala nila si Red na nananunuod sa laro ng dalawa at mukhang tinuturuan si Shawn sa magiging moves niya.

Playing Mr. Popular's Game [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon