Yoongi 20 - Party

3K 160 150
                                    

Yoongi 20 - Party | HAPPY BIRTHDAY TO MY MAIN MAN JUNG HOSEOK! this chap is dedicated to everyone haha most specially hoseok-stans  mwa ~



To love is to risk. You were strong enough to take the risk



CARMILLE's POV

Hindi ko aakalain na magiging ganito kasimple ang birthday ni Alexis. Ini-expect ko kasi na magiging magarbo o elegante lalo na't anak-mayaman. Pero hindi. Isang simpleng house party lang ang ganap, at sa gulo ng pag-decorate ng buong mini sala mukhang Stanville Army lang ang nag-design.

The couch was pushed over towards the wall, there were comfy blankets draped over the floor carpet and pillows, too. Medyo naka-dim ang lights sa buong paligid dahil may pinapanuod silang video na naka-project sa kabuuan ng pader sa sala.

Kumpulan silang lahat sa sahig. Ang cute nga nila. Magkatabi sa paanan ng couch si Eliz habang nakahiga si Red at ginawang unan ang legs niya. Nakasandal ang ulo ni Jace sa balikat ni Alexis na mukhang enjoy na enjoy sa past videos niya na mukhang pinag-prepare ng Stanville Army para sakanya. Nakahiga sa paanan ni Alexis si Xander, habang cozy naman si Seth sa couch at may yakap-yakap na throwpillow.


May biglang humigit sa akin dahilan para mapaluhod ako.

Gago rin kasi talaga 'to minsan si Keith eh.


Nakapwesto siya sa likod ni Alexis, laying down while using his arms as a pillow. He pulled me closer to him, urging me to lean on his chest.

"You're fcking late." the way his voice sounded raspy, I knew he just woke up.

Bahagya akong napangiti, "Sorry. Tinapos ko lang yung event plan ng student council para sa Foundation day ng university."

Napabuntong-hininga nalang si Keith saka ko naramdaman ang paghaplos niya sa buhok ko, "At least, you're here now. I missed you."

Lumawak ang ngiti ko, "Nagkikita palang tayo kahapon. 'Wag kang OA."

"I miss you I miss you I miss you I miss you I miss you I miss you I miss you." ulit-ulit na sabi ni Alferez dahilan para manlaki ang mga mata ko.

Napabangon ako at tumingin sakanya. Nakangisi pa ang loko habang paulit-ulit na sinasabi ang mga katagang "I miss you."

Pinandilatan ko siya, "Hoy ang ingay ng bibig mo!" saway ko sakanya. Tangina kasi kapag narinig kami dito nila Alexis, for sure, tampulan na naman kami ng asaran. Sawa na po ako sa secondhand embrassment galing kay Keith.

"I miss you I miss you I miss you I miss you I miss you I miss you I miss you." walang itigil niyang sabi.

Nakalimutan ko nga pala na hindi naman nakikinig si Keith sa mga sinasabi ko. The more I tell him no, the more he becomes challenging. Napatingin ako sakanila dako nila Jace at ng buong Stanville Army na abala pa rin sa panunuod ng mga derp pics at video messages para kay Alexis.

"Keith!"

"I miss you I miss you I miss you I miss you I miss you I miss you I miss you I miss you I miss you I miss you I miss you I miss you I miss you I miss you.." kung kelan ko siya sinasaway, saka niya naman sininulang lakasan ang boses niya. Nananadya talaga 'to eh.

"Ang ingay mo sabi!"

"I miss you I miss you I miss you I miss you I miss you I miss you I miss you I miss you I miss you I miss you I miss you I miss you I miss you I miss you--" tinakpan ko ng palad ko ang bibig niya para hindi na siya mag-ingay. Kaso gago nga pala talaga si Keith. He still kept on murmuring at lalo pang lumalakas ang boses niya.

Playing Mr. Popular's Game [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon