11
Bakit ba kasi ang hilig mong magpakatanga sa mga taong walang ibang ginawa kundi ang paiyakin ka?
CARMILLE's POV
Halos magwala ako oras na imulat ko ang mata ko. Bumulaga sa akin ang madilim na paligid, at tanging ilaw mula sa ilaw ng sasakyan ang source ng liwanag. Tunog ng kulog at nakakatakot na kidlat ang gumising sa akin. Nakaupo sa may front seat, hindi nakasuot ng seatbelt. Natakot ako bigla. Sinapo ko ang noo ko at tiningnan kung may dugo ba, malay ko ba kung naaksidente pala kami. Pero ang nakakapagtaka, hindi pamilya sa akin ang pick up truck na sinasakyan ko. Kinapa ko ang cellphone ko at halos maubusan ako ng dugo sa katawan nang mapansin na wala sa akin ang bag ko. Jusko, baka na-budol-budol ako, o kaya naman may gustong pumatay--ay ano bang sinasabi ko?
Pilit kong binubuksan ang pinto ng sasakyan pero hindi ko mabuksan. Nagsimula na namang kumulog at kumidlat, senyales na uulan. Hindi ako mapakali, kailangan kong makalabas. Paano nga ba ako nakapunta dito? Eh kanina lang nasa library ako, nagrereview para sa isang major exam tapos biglang poof! nandito na ako. Anong klaseng kababalaghan ang nangyayari?
Baka nananaginip lang ako? Literal na sinapak ko ang sarili ko at natameme lang ako sa sakit. Sht, totoo nga 'to.
"Para kang tanga." sabi ng boses na sa sobrang pamilyar sa akin, parang ka-boses ni Alferez.
Imposible. Paano ko naman makakasama 'yung gummy bear na 'yun? At anong bear ang sinasabi ko?
Dahan-dahan akong lumingon sakanya at tama nga ako. Nandito nga si Keith sa tabi ko. He was looking at me as if pitying my state. Ganun na ba ako kamukhang baliw to the point na ganyan siya makatingin? Hindi na siya nakasuot ng uniform kumpara sa akin. Ngumisi lang siya sa akin saka inayos ang stereo sa kotse niya at nagpatugtog.
"Nasan tayo? Anong ginagawa natin dito? Bakit ako nandito? Buksan mo ang pinto, Keith, aalis ako dito." nagmamadali at sunod-sunod kong tanong at utos ko sakanya.
Hindi niya ako sinagot na siya namang kinainit ng ulo ko. Lalo na nang mapansin kong 10:45PM na sa orasan ng media player niya. Napaawang ang bibig ko at hindi makapaniwalang tumingin kay Keith na parang wala lang sakanya ang oras.
"Keith Alferez, tinatanong kita kung anong ginagawa natin dito sa tabi ng daan at malapit sa bangin!" sigaw ko.
"Gusto kong mag-star sighting kasama ka!" pabulyaw niya ding sagot sa akin. "I answered your question so please shut the hell up for a minute."
Napailing-iling ako. Hindi ko alam na ganitong klase ang pagiging childish ni Keith. "Star-sighting?" hindi makapaniwalang sagot ko. Napaismid ako sakanya, "Sa ganitong klaseng panahon, ginusto mong mag-star sighting?! Hindi mo man lang ba inisip na baka uulan at malamang sa malamang matatakpan ng ulap ang mga star kaya hindi tayo makakakita ng star sa ganitong klaseng pagkakataon. Naglolokohan ba tayo dito, Keith o sadyang sinasagad mo lang talaga ang pasensya ko?! Sa sobrang dami ng mga iniisip at mga gagawin ko, dadagdag ka pa sa pinoproblema ko! Ganyan ka ba ka insensi--"
"Gusto lang kitang makasama!" singhal niya sa akin.
Natigil ako sa pagsalita. Huli na nang marealize ko kung anong mga pinagsasabi ko. This time, ako yung naging insensitive.
"Simula nung nagkasagutan kami ni Shawn nung isang gabi, hanggang kaninang umaga hindi ka umimik at halos hindi ka na kumakain. You even slept at the library in exhaustion! Hindi kita pwedeng iwan dun habang wala 'yung taong gusto mong sumama sayo! Hindi mo rin ba alam kung gaano ako nagaalala sa tuwing nakikita kitang halos tulala na naglalakad sa hallway buong maghapon? I brought you here so you can rest! Nakatulog na nga lang din ako kakabantay sayo at kakatitig sayo. Iuuwi naman kita sa bahay niyo sa oras na magising ka. Nagpanic lang ako ng sinigawan mo ako kanina kaya nagpalusot akong gusto kong magstar-sighting." paliwanag niya.
BINABASA MO ANG
Playing Mr. Popular's Game [BOOK 2]
Fanfiction[PMPG ; MPYASGD BOOK 2 ; BTS SUGA FANFIC by dakilangswaeg 2016] There's a game we need to play and win if we want that happy ending