Yoongi 34 - Reunion pt.1

506 42 23
                                    

Yoongi 34 - Reunion pt.1


It's the moment like this that I want to play on loop


KEITH's POV


"Where are you going?"

Natigilan ako sa pag-iimpake ng gamit nang marinig ko ang boses ni Danni. Wala akong nagawa kundi mapa-buntong-hininga bago ko siya harapin. She's wearing her corporate attire, light blue bouse tucked inside her dark colored pencil skirt. Hindi rin pala siya nag-iisa dahil nasa tabi niya si Shawn na hawak-hawak ang ibang documents ni Danni.

Sinara ko ang maleta ko at umupo sa kama, "Magbabakasyon muna ako sa Macau kasama sina Bobby at June," tipid kong sagot.

"Macau? Bakit ngayon ko lang nalalaman 'to, Calix?" tanong niya, nakataas ang kilay.

Umiwas naman agad ng tingin si Villareal. Alam naman kasi ni Villareal ang totoo, siya pa nga mismo ang nagbigay ng plane ticket na gagamitin ko sa flight namin ngayon. Shawn lived up to his words, hindi nga alam ni Danni ang plano kong 'to. Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung tama ba 'tong gagawin kong pag-uwi sa Pilipinas, pero sa tuwing naaalala ko si Carmille, sumasagi sa isip ko na kailangan kong gawin lahat ng makakaya ko para maitama ang mga nagawa ko.

Napangisi ako, "For sure paghihigpitan mo din naman ako. What's the point of telling you?"

Danni sighed, frustration evident on her face. "Fine. Bahala ka. Just message me once na nakarating kayo dun." aniya. Humarap siya kay Shawn at niyaya ito. "Tara na, baka ma-late tayo sa meeting."

Sumang-ayon naman si Shawn. Nauna nang lumabas si Danni, at bago pa man lumabas si Shawn tumango naman sa akin si Shawn. "Safe flight," sabi niya saka sinundan si Danni.



This is your captain speaking. We had successfully landed at Ninoy Aquino Internation airport. In behalf of all flight staff and cabin crew, we thank you for choosing this airline. Mabuhay.

Hindi ang PA system ang nagising sa akin kundi ang mahigpit na hawak ni Carmille sa kamay ko. Naalimpungatan ako at agad na napatingin mula sa bintana sa labas, lumapag na pala ang eroplanong sinakyan namin. Napatingin ako kay Carmille na nakasandal sa balikat ko, sumandal din ako sa ulo niya at bahagyang napapikit.

Some of the passengers were already standing up, taking their personal belongings. I pulled my black mask from my chin and carefully covered half of my face then fixed my black bucket hat. Ramdam ko ang bahagyang pagbilis ng kabog ng dibdib ko. Ilang buwan na rin ang nakalipas mula nang lisanin ko ang Pilipinas.

Ni hindi ko nga rin inaasahan na makakauwi ako. Nawalan na ako ng pag-asa na makauwi ako. Pero, andito na ako ulit.

Siguro nga, maraming bagay ang dumadating sa buhay ko na hindi ko inaasahan. Akala ko masaya na ako sa piling ng mga Alferez, akala ko hindi ko na makikita ulit si Carmille, akala ko habang-buhay ko nang tatalikuran ang buhay ko dito. Ang daming nangyari.

"Keith, tara na?" aya ni Carmille sa akin saka hinigit ako para tumayo.

Kinuha niya ang cardigan sweater niya at hinawakan ang kamay ko nang mahigpit nang bumaba kami mula sa eroplano.

Napatingin ako sa mga kamay namin. Ayaw ko nang bumitaw.



*****



Nasa reception desk kami ng isang maliit na hotel kung saan ako pansamantalang titira. Kausap ni Carmille ang nasa front desk, nagbobook ng room para sa akin. Habang hinihintay siya, naisipan kong i-check na din ang phone ko. May ilang messages mula kay Mama, may iba din na galing kina June:

Playing Mr. Popular's Game [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon