Yoongi 21 - Flowers

2.7K 136 162
                                    


Yoongi 21 – Flowers


You complete me, queen


CARMILLE's POV

Late na akong gumising at bandang alas-diyes na nang umaga nang lumabas ako ng kwarto para mag-almusal. Umupo ako sa stool sa may kitchen counter at tiningnan ang ilang notification sa phone ko. Punong-puno ng tagged photos ang instagram account ko mula kila Alexis at Jace.


Biglang nag-vibrate ang phone ko at napangiti ako kaagad nang mabasa kung kanino galing ang text.

From: Keith

Good morning, love


Magrereply na sana ako sakanya ng makatanggap uli ako ng text, this time hindi ito text kundi isang emoji.

From: Keith

🌺


Wala akong mapagsidlan ng ngiti. Umagang-umaga ang daming paandar ni Alferez. Inayos ko ang pagkakaupo ko at baka malaglag ako sa kalandian na dulot ni Keith. Nagttype ako ng reply para kay Keith nang marinig ko ang boses ni Kuya Johann sa may likuran ko.

"Coffee or juice?" tanong niya.

"Hot coffee, please." sagot ko kay Kuya habang nakatuon pa rin ang pansin sa screen ng cellphone.

Narinig ko ang ilang mahinang kalampag ng ilang gamit sa kusina dahil sa kung anong pini-prepare ni Kuya. I bit my lower lip to suppress the laughter erupting off my lips. Hindi ko alam kung saan at kailan natutong mag-pick up line si Keith, sa sobrang baduy kinikilig--I mean, natatawa nalang ako.


"Magkasama na kayo kagabi, hanggang ngayong umaga magkausap pa kayo. Don't you get tired of each other?" tanong ni Kuya Johann.

I shook my head and laughed, "No."

"Because I do." sagot niya saka nilapag sa harap ko ang hot coffee at waffle.

Nilapag ko saglit ang phone ko sa kitchen counter habang naghihintay ng reply mula kay Keith at saka kumain ng super late na breakfast. Tahimik kaming kumakain ni Kuya nang biglang mag-vibrate ang phone ko. Dali-dali ko itong kinuha at napangiti agad nang mabasa ang pangalan ni Keith sa screen ng phone.


"Stop seeing him, Carmille."

Unti-unting nawala ang ngiti ko at napatingin kay Kuya Johann. The tone in his voice startled me big time. Hindi ko alam kung isa lang 'to sa mga paandar or joke niya. I squinted my eyes at him and studied his facial expression para naman kahit papano mahulaan ko kung totoo ba 'yung sinabi niya o inaasar niya lang ako.

"Pick a better joke. Hindi funny." sabi ko sabay belat sakanya.

"I'm not kidding." tugon ni Kuya Johann. He put his sandwich down and looked at me. The intensity in his gaze made me uneasy. Umiwas ako ng tingin sakanya. Para akong bata na napagalitan ng magulang. "Ayoko nang makita kayong magkasama."

Sinamaan ko siya ng tingin, "Ano bang nangyayari, Kuya? As far as I can remember, sinabihan mo ko noon na susuportahan mo 'ko sa mga bagay na nagpapasaya sakin. Isa si Keith sa mga 'yun."

"Alam ko yun! I know he makes you happy and I'm thankful for that." napabuntong-hininga siya at pinisil ang nosebridge niya, a thing he does when he's hiding his anger or trying to calm himself down. "Iniisip ko lang ang kapakanan mo, Carmille."

Playing Mr. Popular's Game [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon