#Chapter 47:
Gwenn's Pov...
Hahahaha... parang baliw na aq sa kakatawa sa pinag gagawa kong mga kalokohan... .
Hindi alam ni dave na kakuntsaba ko sina nana delia, tata damian, gail , brian at trish...
Akala ko kanina mahuhuli na talaga aq ni dave.. Lahat ng pinag usapan nila ni nana delia dinig ko.. .
Kaya heto aq ngayon, nilalanggam na dahil kanina ko pa hinihintay dito sa favorite place namin.. This is it.. Magkikita na din tayo dave Anthony Cruz... .
Pinaghandaan ko pa talaga to ha. Kahit nangangati na aq sa suot kong bestidang puti na pinahiram sakin ni nana delia ay tiniis ko para magmukha talaga akong multo... Hehe..sori dave...Last na naman to eh..hindi ko na uulitin..
Minake apan din ako ni gail na maputlang maputla so ngayon parang ghost na talaga aq...from Here Nakita ko na papalapit na si dave dito sa puno .. at umupo na din siya sa bench..Malapit na din kasing lumubog ang araw.. tinext na kasi siya ni trish na huwag na mag duty dahil birthday naman niya... .
Nakaupo na siya doon sa bench..Di niya ako kita kasi nakakubli pa ako sa isang bato...
Dahan dahan sana akong lalapit sa kanya ngunit natalisod aq...Arayyy! Ouch... kita kong lumingon siya sa gawi ko..Buti nalang nakatago agad ako....
May tao ba diyan? dinig kong sambit niya.. . sabay punta sa gawi ko.. agad akong sumiksik sa gilid para hindi niya ako makita...
Nung parang wala na naman siya dun tsaka uli ako bumalik sa dati kong pinagkukublihan...
Nakita ko siyang nakatitig dun sa puno at binabasa ang isinulat ko...Anu yung isinulat ko? "Happy birthday Anton Matatakutin" yan lang nMan.. Eh kasi dati nung maliit pa kmi takot na talaga siya sa mga multo o di kaya sa mga horror movies...
"Tawag niya naman sakin Gwenn Sungit" Maganda di ba? hehe..I missed you so much Gwenn sungit, rinig kong sabi niya..
Dave's Pov...
I missed you so much gwenn sungit... Mahal na mahal kita.. Sana nandito ka at kasama ko sa pinaka espesyal na araw sa buhay ko... naluluha ng sambit ko.. Kabaklaan mang ituring pero pag si gwenn ang pinag uusapan nababakla aq..
Tsaka ko lang napansin ang isang box sa tabi ng bulaklak na palagi kong inilalagay dito sa ilalim ng puno.. .
Nung buksan ko ito nakita kong puro pictures namin ni gwenn nung maliit pa kmi.. Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko ng pag angat ko ng paningin ko may nakita akong isang babaeng nakaputi at maputlang maputla at inililipad ng hangin ang buhok...Gwenn? dali dali kong pinahid ang aking mga luha..
Pero nang pagtingin ko ulit wala na siya..
Naku! parang tinupad yata ang wish ko ah...Daveeeee! Dinig kong tinig na parang nasa ilalim ng lupa.. pero alam kong boses yun ni gwenn..
Lord naman , kung tutuparin mo lang naman ang wish ko huwag naman po sa ganitong paraan at natatakot na aq... wika ko...
Maya mya lang nawala ang boses, mabuti naman ..sana lang hindi na maulit ang kanina kasi matatakutin talaga ako...
Tol.... muntik na akong mapatakbo nung makarinig uli ako ng boses..
Ui, dave anong nangyari sayo? tanong ni brian..siya pla ang nagsalita sa likod ko.
Ah, eh..wala..sagot ko.. Naparito ka? tanong ko
yayayain sana kitang mag night out mamaya total birthday mo nMan..ani brian..
Ok, cge.. Anong oras ba? sagot ko..
7pm is that ok with you? sabi niya..Cge call.. pero mauna ka na munang bumalik doon at dito lang muna ako.. hihintayin ko lang lumubog ang araw wika ko at iniwan na ako ni brian dahil alam niyang gusto kong mapag isa.
Habang papalubog na ang araw, naisip ko ulit si gwenn... Kung sana andito pa siya eh di sana magkasama sana kaming nanonood ng magandang paglubog ng araw...
"Kasama pa ba ako sa mga iniisip mo?"
Napalingon ulit ako ng may marinig ako na di ko talagang makalalimutan na tinig in my whole life..."Tama ba ako sa nakikita ko? si gwenn ba talaga to?
Kinusot kusot ko ang aking mata sa pag aakalang dinadaya ako ng mga paningin ko...pero kahit anong kusot at mulat ko nang mga mata ko andun pa rin ang nakangiting si Gwenn...Unti unting lumalapit si Gwenn sakin..at nang magkalapit na ang mukha namin sa isa't isa ay....
Lord, kung minumulto ako ni Gwenn, sorry naman kung di ko siya hinanap nung maaksidente siya dahil sabi nila sa airport naabo na lahat ang katawan ng pasahero dun... wika ko...
Tsaka Lord, hindi naman siguro to multo ng mahal ko kasi amoy kanal tong nasa harap ko ngayon...
wika ko...Tok!
,@-@ Aba, binatukan ako ng multo ni Gwenn... .Langya ka talaga dave, nang iinsulto ka ba talaga???wika ni Gwenn...
Nung marinig ko ang pagmumura ni gwenn pparang bumalik ang dating gwenn..
Kinurot kurot ko muna pisngi niya at....Gwenn, ikaw nga..masayang sabi ko at niyakap ko siya..wala akong paki kung amoy kanal pa siya basta ang importante kasama ko ang taong mahal ko sa pinaka importanteng araw ng buhay ko....