Chapter Twenty-One
Missed
"So ano nga kayo?" Sinamaan ko ng tingin si Laxa na sumusubo ng chippy.
"We're friends!" She tsked at nagpatuloy nang kumain.
"Alam mo, girl, Bakit ka nagaaalala ka sa kanya kung kaibigan lang turing mo? Umamin siya sayo, Tapos hinindian mo siya. Sabi mo nasira friendship niyo, Saan banda nasira? Sa utak mo? Ikaw lang kasi nagpapakumplikado ng lahat eh! Tinaboy mo tapos ngayon nagtataka ka kung bakit umalis ng resto bar mo!" She even shooked her head. Aba!
"'Diba ikaw unang lumayo? Dumistansya at umiwas sa kanya? O bakit ikaw 'tong nagtataka ngayon kung bakit umalis siya? Syempre naman teh, Hindi naman siya tanga para hindi malaman ang pagiwas mo!" Minsan may sense talaga 'tong kausap si Laxa pero minsan wala rin.
But right now, She got the whole point of my drama. I was just shocked, Jao quitted. It's his passion! The singing, The crowd, The applause, The Onyx.
Bakit siya umalis? Dahil ba sa akin? I know, Hindi siya mababaw na tao. He's deep, Too deep that he became so unpredictable. Kaya heto ako ngayon nababaliw kakaisip kung bakit niya iniwan ang Onyx—Iniwan kami.
"Alam mo madali lang kasi 'yang problema mo ngayon, Kung inamin mo na may gusto ka sa kanya at sabihin sa kanya 'yun, Edi babalik siya sa resto bar mo! Ganun lang kasimple!" Binato ko siya ng chippy at umiwas naman siya, I huffed. Umamin, e, wala naman ako dapat aminin!
"Wala akong gusto sa kanya, Concerned lang ako kasi kaibigan ko siya. Mamaya may problema na pala yung tao...." I trailed off at binato niya ako ng chippy sa muhka. As in sapul na sapul sa muhka ko, Babawi na sana ako pero hindi ko na nagawa dahil dumagundong ang malakas na boses ni Ms. Perez sa buong pantry kaya napatayo ako agad.
"MS. FABIA AND MS. AYALA! WHAT ARE YOU DOING?" Hindi kaagad ako nakasagot buti nalang nakasagot si Laxa para saming dalawa.
"N-Nako Mam! Nagsasaluhan lang po ng chippy." Tumaas ang kilay ni Ms. Perez sa sinabi ni Laxa. Siya kasi yung Supervisor rito sa department na 'to. Ang sungit neto dahil matanda na, Yung menopausal stage na kaya gano'n.
"Really? But based on the mess on the floor ,Muhkang tonta naman kayo sumalo ng chippy! Get back to your work, Both of you! Coffee break at hindi laro ang ginagawa rito!" I winced because of her high-pitched tone. Ang taas sobra! Bukod sa pagsusungit niya ayaw ko rin ang boses niya, Sobrang tining neto. Sobrang sakit sa tainga tuwing sumisigaw.
Lagi pa naman siyang galit! Kung hindi lang siya Supervisor dito ay siguro natarayan ko na rin siya. Kaso nagtatrabaho ako dito, And I need to be cooperate with her baka makick out pa ako dito. Goodbye Practicum, Goodbye Sablay.
And I don't want that to happen. That sucks! So I just need a longer patience with this old hag. Ang taas pa ng kilay niya habang papalabas kami ni Laxa ng pantry.
"Tuloy natin kwentuhan mamaya, Trabaho muna," She whispered on my ear and nodded my head. She waved her hand and walked away.
BINABASA MO ANG
When I Stop Chasing
RomansaAng pinakamasayang parte ay ang paghahabol. Chasing him is like breathing oxygen. Chasing him is like riding a bicycle. Chasing him is like still wanting to stand even though your legs were already full of bullets and bloods... Ofiana Margo Fabia, t...