Chapter 1

17 0 2
                                    

Chai's POV

"KUYA! Wag mo 'kong iwan dito please!"

"Chai, babalikan kita dito. Pangako yan ni kuya. Wag kang aalis dito ha? Pag dumating ang ambulansya at pulis, sumama ka sa kanila. Ha?

"Kuya, paano sila mama?" Tumulo na ang mga luha ko. Di ko maiwasang maluha at mapaisip ng masasamang bagay.

"Chai, makinig ka. Ako na ang bahala kila mama't papa, ok? Wag kang aalis. Babalikan kita kasama sila." Hinalikan ako ni kuya sa noo at binigyan ng sobrang mahigpit na yakap. "Mag- iingat ka, Chai."

"Opo kuya ***"

Kuya? Sinong kuya?

"Kuya ***"

Hindi ako makahinga. Parang sumisikip ang paligid ko. A-a-anong gagawin ko? TULONG!

*alarm ring*

ASDFGHJKL! HAH! TAKTE! Hinahabol ko na hininga ko. Walang hiya. Panaginip lang pala.

Mabuti na lang at Sabado ngayon at graduate na ako. Kundi late na ako. Tsk.

"Para kang tumakbo sa 50m run ah?" Pag-aalala ni kuya sa akin.

"Ah? Wala yun kuya Lee. Binabangungot lang ata ako."

"Yan kasi di ka nagdadasal hahaha."

"Wow ako pa tong di nagdadasal, nahiya ako sayo. Tss." Sa kanya pa talaga nanggaling yan ah.

"Sungit. Ano ba kasi napaginipan mo?"

Wait lang. Ano nga ba ulit yun? Bakit ba ako hingal na hingal pagkagising ko? Bakit? Anong meron?

"Huy Chai! Gising ka na ba talaga? Hello?" Winawagayway pa nya talaga kamay nya. Pfft.

"Oo kuya. Gising na ako. Haist. Ano kase..."

"Ano? Anong napaginipan mo?

"Kalimutan ko na eh. Hahaha." Sabay binatukan ako ni kuya. "Aray kuya!"

"Nasayang oras ko kakahantay sa sagot mo jusme." At nag walk out.

Sus. Parang bangungot lang naman yun, big deal agad sa kanya.

Ako nga pala si Chailene Mirabella. Ang bunso sa amin ni kuya Lee. Graduate na ako pero hanggang ngayon, nagpapaka team bahay pa rin ako.

"Kuya ***"

Argh. Ang sakit na naman ng ulo ko. Sino ba kasi yung kuya na tinatawag ko?

Engot, baka si kuya Lee mo lang yun. Di mo lang maalala. Pero hindi rin eh, ang layo kaya ng mukha nya sa panaginip ko. Palibhasa kasi, bata ka pa nun kaya di mo maalala yun ng malinaw. ARGH nag-aaway na naman ang utak ko!

To be honest, ayoko nang may napapaginipan ako dahil kulang na lang mamatay ako sa kakatulog.

"Chai, alis na muna ako. Bili lang ako ng coffee."
"Okey po."
"Wala ka man lang ipapabili?" Tanong sakin ni kuya.
"Wala naman. Ingat kuya."

Dear MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon