Kuya Lee's POV
"Tungkol dun sa hinahanap natin. May naalala ako. Kahapon lang, napadaan ako sa bahay nyo. May nakita akong lalaking nakasilip sa may eskinita sa tapat ng bahay nyo. Umalis na lang siya nung nakita ko." Dire-diretsong sabi ni Mark. Dalawang tao ang nasa isip ko, posibleng ang killer noon, o ang lost brother ni Chai, si Dark.
"Mark, favor." Alam ko na ang gagawin ko para malaman kung sino yun. "Naalala mo pa ba yung mukha nya?"
"Medyo. Anong favor mo?" Sabi ni Mark. "Medyo Malaki toh. Pwede bang sabihin mo sakin yung description ng mukha nya? Saka..." Iniisip ko kung sasabihin ko pa yung pangalawa eh.
"Oo, please. Tayo ni Lee. Mwuah mwuah mwuah!" Putek ka Mark. -_-
"Mark! Gising! Anong tayo na?! Hindi yun!" Ano ba toh? Nagde-daydream ba si Mark?! "Joke lang Lee, hahaha! Alam ko yung second favor mo. Magpapadala ka ng bantay malapit sa inyo 'di ba? Para mahuli sya?" Hula niya. "Oo, pre. Pasensya na. Ang dami kong pabor na hinihingi sayo. Paano ko ba mababayaran yun lahat?" Madami nang nagawa si Mark para sakin simula nung nabuo sakin ang kagustuhan kong---
"Simple lang." Ngumiti si Mark na parang aso. Kinabahan ako dahil bigla na lang sya lumapit sakin. Nilapit nya ang mukha nya. P*t*ng in* sana pala di ko na lang tinanong. -_-
"Woops. Wag ka nang lalapit." Pinagkrus ko pa mga daliri ko na tila nagtataboy ako ng masamang espiritu. "Wala naman akong gagawin sayo eh." At itinapat nya ang bibig nya sa tenga ko. At binulong ang mga salitang toh:
"Matagal na kitang gusto, Lee."
"Joke."
"HAHAHAHA! XD"
"Putek pre! Yung mukha mo! Hahahaha! XD"
"Huy joke lang. Lee? Yuhoo?" Winawagayway nya yung kamay nya para makasigurong buhay pa ako.
"SIRAULO! ANO! Ano ba kasing gagawin ko bilang pasasalamat sayo?" Naaasar na ako dito ah. -_- Kahapon pa tong baklang toh eh.
"Bilhan mo ko ng chocolates. Ng mga mababangong bulaklak. At saka, pwedeng samahan mo ako sa pupuntahan ko bukas? Support lang ng best friend kailangan ko." Nakatungo si Mark. At parang kinakabahan pa ata ito.
"Support saan?" Bakit kailangan pa nya ng chocolates at flowers tapos kailangang andun ako?
"Manliligaw na ako. Hehe." Nahihiyang sabi ni Mark.
BINABASA MO ANG
Dear Memory
Teen FictionMagawa pa kaya nilang mahanap ang kapatid ni Chai? O may malalaman sila mula sa nakaraan?