Chapter 22

3 0 0
                                    

Chai's POV

*sa bahay nina Chai at kuya Lee*

"Saan ka nang galing?" Bungad sakin ni kuya Lee.

"Kuya may pinuntahan lang po."

"Bakit di ka nagpaalam? Nag alala ako sayo." Nag alala pala si kuya. Akala ko magagalit siya sakin dahil di ako nagpaalam sa kanya.

"Sorry po."

"Please lang mag paalam ka naman ha? Sige na kumain ka na." Sabi sakin ni kuya Lee at pumunta sa kwarto niya.

Kumain naman na ako. Pagkatapos kong kumain, umakyat ako sa kwarto ko.

Lee's POV

Kagigising ko lang ngayong umaga. Kailangan ko na palang maligo at ipaghanda ng breakfast ang kapatid kong si Chai.

Nagluto lang ako ng itlog at hotdog. Ngayon ko lang kasi naalala na hindi pala ako nakapamili nung nakaraan. Pero dapat talaga si Chai ang mamimili kaso mukhang walang naka-alala samin na mamalengke.

Umakyat na ako sa second floor at kinatok ang kwarto niya.

"Chai, wake up. Let's eat breakfast." Sabi ko na lang sa kanya. I didn't get any response from her. I guess I'll just have to eat first. Kanina pa ako gutom.

*after a few moments*

Malapit na mag lunch. Di pa sya gumigising at bumababa.

Inakyat ko ulit siya sa kwarto niya at kumatok.

"Wake up Chai. Magtatanghali na!" Malakas ang pagkakasabi ko at kinakatok ko na rin siya ng ilang beses.

"CHAI?" Wala pa rin siyang response. Nakapag decided ako na buksan ang pinto ng kwarto kaya bumalik ako sa kwarto ko para kunin ang susi.

Pagkabukas ko ng kwarto, walang Chai na nakahiga o kaya nakatayo sa room niya. Tinignan ko muna yung closet nya kung may dala siyang maleta, pero nandun yung maleta. Yung backpack niya ang nawawala. Saan naman kaya siya nagpunta.

"Tanungin kaya natin si Chai."
"Sabi ko sayo, di pakialamera ang kapatid ko."
"Hmm? Tignan na lang natin."

Bigla kong naalala yung sinabi sakin ni Down. Paano nga kaya kung nasa kanya yung folder?

Yung cabinet naman ang tinignan ko. Tinignan ko bawat isa yung drawer hanggang sa nakita ko yung folder sa pinaka huling drawer. Chineck ko kung yun nga yung folder na hinahanap ko pero... puro certificates at papeles tungkol sa kanya nung nag aaral pa siya.

Kung nandito ang folder ko, ibig sabihin, may nakita pa syang ibang folders.

Bakit kaya niya kinuha yung folder? Saka posible kayang dala nya yung totoong folder?

Engot ka kasi Lee. Magtatago ka pa ng lihim, sa kwarto mo pa, at sa bahay pa talaga.

May nakita pa ako sa ilalim ng folder. Isa siyang news clipping. Sa pagkaka alala ko, ginupit ko yan nung mga panahong may sunog sa mansion.
Nabasa na kaya niya ito?
Nasaan kaya si Chai? Hindi kaya pumunta siya sa mansion? At nasaan ang totoong folder?!

Up's POV

"Up, let's go." Nakakagulat naman 'tong si Mark. Bigla biglang sumusulpot.

"Ahmm Dawn bye muna. May pupuntahan pa kami ni Mark eh. Love you."
"Up saglit la--"

At binabaan ko na si Dawn ng telepono.

"My life, saan tayo pupunta?" Sabi ko sa kanya at pinulupot ang right arm ko sa left arm niya.

"Aray." Teka, bakit nasaktan si Mark?

"May problema ba? Saan masakit? Anong nangyari sayo?" Habang hinahaplos ko yung bisig niya. Hindi kaya sobrang lakas ng pagkaka kapit ko sa kanya? Ibig sabihin tumataba na ako? Huhuhu.

"Ahmm may sasabihin ako sayo. Pero wag tayo dito." Sinundan ko lang siya hanggang sa tumigil siya at sumakay loob ng kotse.

Dear MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon