Chapter 20

3 0 0
                                    

Lee's POV

Lumabas muna ako para kapag bumaba si Chai, hindi sya mababad mood dahil sakin. Nag ikot ikot rin ako sa lugar namin para makapag exercise at makapag labas ng stress kahit papaano.

Hanggang sa napagdesisyunan kong bumalik sa bahay. Kailangan kong tignang maigi ang mga findings, baka sakaling may namiss kaming detail.
Umuwi agad ako sa bahay at pumasok sa kwarto.
Hinanap ko yung folder sa drawer. Kaso. Nasaan na ba yun? Hindi ko makita yung folder. Kalma Lee. Baka namisplace mo lang o namalik mata ka lang. Inulit ko ang paghahanap sa folder. Pero wala pa rin. Napaka imposible namang mawala dito. Hinanap ko sa kama, drawer, wala. Kailangan ko na ng tulong.

*after a few moments*

Tinutulungan na ako ni Dawn na maghanap sa mga nawawala, medyo naging matanong nga lang.

"Hinanap mo na ba sa ibang kwarto?"
"Paano naman mapupunta sa ibang kwarto yun kung dito ko lang yun ginagalaw?"
"Malay mo lang. Namisplace o kaya may nakialam."
"Paano ko mamimisplace yun kung di ko pwede ilabas yun. Saka ibig mong sabihin, nangingialam si Chai? Ganon ba?"
"Malay mo lang naman, Lee. Pero may naisip na ako."

Dawn's POV

"Ano yun?" Sabi nya sakin. Lumapit naman agad ako sa kanya at nag salita ng mahina.

"Tanungin kaya natin si Chai." Sabi ko sakanya. Bigla naman syang napaurong at umiiling. Ayaw nya.
"Ano namang masama kung tatanungin lang diba?" Sabi ko sa kanya.

Lumapit sya at bumulong.
"Pag tinanong ko sya, malamang magtataka yun, tutulong satin yun at iba ang makikita nya. Magiging question mark sa utak nya kung para saan, bakit, at ano ang meron sa folder. Okay?" Pag eexplain nya sakin. Hmmm, ang bango ng hininga nya. Hahaha. Back to work.

"Edi ako na lang ang magtatanong." Sabi ko sakanya. Nag walk out agad ako sa kwarto nya at nag fun run papunta sa kwarto ni Chai. Kumatok naman ako sa pinto.

"Chai?" Sabi ko sa harap ng pinto.
"Po?" Sumagot naman sya. Biglang hinawakan ni Lee yung wrist ko at umiiling, parang sinasabi nya wag ko na lang ituloy. Invisible ka muna sakin Lee.

"May nakita ka bang folder? Kailangan ko kasi yun eh. Saka medyo urgent eh." Sabi ko kay Chai. Parang nasira yung mukha ni Lee at naging poker face haha hays.

Medyo matagal yung pagreply nya sa tanong ko. "Chai? Yuhoo?" Sabi ko sakanya.
"Ahmm wala naman po." Sabi nya lang. Tumingin naman ako kay Lee at parang nagshrug lang sya.
"Salamat Chai." Sabi ko na lang sa kanya at sinundan si Lee.

"Sabi ko sayo, di pakialamera ang kapatid ko." Sermon nya sakin.

"Hmm? Tignan na lang natin." I smirked at him. Kumunot naman ang mga eyebrows nya.

Chai's POV

Kinabagan talaga ako nung tinanong ni ate Down kung nasa akin ba yung folder. Pero bakit kaya hindi hinanap yung papel? Baka hindi lang napansin ni kuya nung hinahanap nya.

Tinitignan ko lang yung laman ng folder. Parang wala namang espesyal sa laman neto? Puro ID, mga certificates ko nung nag aaral ako, at medals ang laman eh.

Siguro kailangan ko nang ibalik ito. Pero last na. Babasahin ko na lang yung lumang papel na nakita ko.

News clipping pala ito. Tagalog ang nakasulat.

Headline:
Isang mansion, nasunog; 2 patay, 2 nawawala

Mansion? Nasunog..? Parang yung sa panaginip ko. Yung may sunog.

Dalawang patay... pero dalawang putok ng baril ang naaalala ko.

Newspaper clipping:
2 patay at 2 nawawala sa naganap na sunog sa mansion kagabi sa ***.

Kinilala ang mga patay na sina Chaira Mirabella, tinatayang nasa edad 30, at Darketh Mirabella, 33. Ang mga nawawala naman ay sina Chailene at Dark na anak ng mga namatay.

Samantala, inaalam pa ng mga pulis ang naging dahilan ng sunog.

Blah... blah... pfft. Napaka coincidence naman... name ko at name ni kuya Dark... yung mansion sa panaginip ko...

Kailangan kong maconfirm ito. Siguro hindi lang ito basta coincidence lang. Paano kung ako pala yung tinutukoy sa balita? Paano kung alaala ko pala yung panaginip ko?

Paano kung may nililihim si kuya Lee?
Paano kung...

Dapat malaman ko ang totoo. Dapat malaman ko kung sino talaga ako.

Dear MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon