Chai's POV
Napalingon ako sa bahay at nakabukas ang pinto?Sinara ko ba 'to nung umalis ako?
*boogsh*
Patay. MAY NAKAPASOK!
Dali-dali kong sinara ang gate at pumasok sa bahay.
"CHAIII!!!"
Lee's POV
"Nagdududa ako dahil iba ang pakiramdam ko sa kanya. Inaaalala ko lang ang kapakanan ni Chai." Kalmado kong sinabi para di halatang naiinis na ako.Biglang kinuha ni Mark ang phone at tinapat sa tenga nya.
"Hello, this is Mark... Uhmm hmm... Yes... Ok bye."
At binalik ang phone sa bulsa."Mag usap na lang ulit tayo bukas, Lee. May emergency meeting daw with clients ko." Sabi nya sa akin.
Tumango na lang ako at lumabas na ng room.*car, driving*
Tsk. Bakit ba nya pinag tatanggol si Dark?
Saka anong ikinakagalit nya kung pinaghihinalaan ko si Dark?
Kapakanan lang ni Chai ang iniisip ko.
Baka kasi umasa na naman kami sa wala.Gusto ko lang na ligtas sya. Yun lang.
Sa lahat ng inaasahan kong di kokontra sa akin at sasang ayon, siya pala tong baliktad.
Malapit na ako sa bahay nang makita kong... Nakabukas ang gate?
Hindi iresponsable si Chai para iwanang bukas ang gate. At ang pinto ng bahay.
Binilisan ko ang pag drive at agad na nag park.
Dire diretso akong pumasok sa bahay at tinignan ang kwarto nya pero wala sya dun.
Tinignan ko sa CR pero wala rin.
Sinubukan ko sa ibang kwarto pero walang Chai.Wala rin sa sala. Pumunta ako sa kusina.
Nagagalit ako sa sarili ko. Paano sya nawala? Paano nawala si Chai nung umalis ako?! Ano nang gagawin ko?
Sisiguraduhin kong magbabayad ang taong kumuha kay Chai!
Naiinis ako sa sarili ko! Bakit hindi ko sya nabantayan!
Binasag ko yung nga nakikita ko. Hindi ko na rin mapigilang umiyak.
"CHAIII!!!"
"K-kuya? A-anong ginagawa mo dito? Saka bakit ka nagdadabog?!"
Napatingin ako sa kanya at agad syang niyakap.
"Chai saan ka ba nagpunta? N-nag alala ako sayo... Akala ko may nangyari nang masama sayo..."
Sabi ko sa kanya habang mahigpit ang yakap.
"Mabuti ligtas ka... Di ko alam ang gagawin ko pag napahamak ka..."Naramdaman ko naman na yinakap nya rin ako at pinapatahan sa pag iyak.
"Kuya sorry. Nagutom kasi ako kaya lumabas ako kasama si Dark. Pumunta kami sa isang cafe shop para kumain. Kuya yun lang. Kuya please wag kang magalit sa akin."
Napa alis ako sa pag kakayakap ko kay Chai at pinunasan ang mata ko.
"KASAMA MO SI DARK?!"
BINABASA MO ANG
Dear Memory
Teen FictionMagawa pa kaya nilang mahanap ang kapatid ni Chai? O may malalaman sila mula sa nakaraan?