Up's POV
Ano kayang pumasok sa isip ni Mark at gusto nya akong makipagkita sakin?
Nandito ako sa cafe kung saan madalas kaming tumambay nina Down, Mark at Lee dito dati.
Napag isipan kong umupo sa isang corner na malapit sa counter."May news ako sayo. Good and bad. Choose." Salubong sakin ni Mark. Sa wakas dumating na sya. Ang tagal nya kasi!
"Good news. Tungkol kanino 'to? Saka good news ba talaga o naglolokohan tayo?" Minsan kasi nasobrahan sa pagiging mapagbiro tong Mark na to.
*flashback*
Mark: May good at bad news ako.
Up: Ano yung bad news?
Mark: Napunit ko ang homework mo.
Up: Ano yung good news dun? Eh napunit mo yung gawa ko? Tsk.
Mark: Ang good news... Walang nakaalam na umutot ako kanina! Hahaha!*end of flashback*
At yon ang dahilan kung bakit hindi ko malaman kung nagbibiro sya o nagseseryoso. Tss.
"Ang good news ay..." At umupo sya sa harap ko. Kanina pa pala sya nakatayo?
"Nakita kong nagiging malapit ang magkapatid." Pagpapatuloy ni Mark."Magkapatid? Sina Lee at Chai? O Dark at Chai?" Tanong ko sa kanya. Nagugutom na ako at saktong dumating ang mga slice of cakes.
"Ipagpatuloy mo yung kwento mo.""Hahaha. Alam mo pala yung favorite flavor ko. Anyways..." At sumubo sya ng cake. Para syang patay gutom. Masyado nya yatang namiss yung cake. Lol.
"Nakita kong kumain ng lunch si Dark kasama ni Chai. Nakaupo pa nga sila sa bandang bintana kaya nakilala ko agad ang mukha nila." Saad ni Mark.
"Ano naman yung bad news?" Tanong ko naman sa kanya. Napatigil sya sa pagsubo ng cake at tumingin sakin.
Ibinababa nya muna yung tinidor at umayos ng upo."Ang bad news ay nautot ako at may nakaalam." Sabi ni Mark.
Langya. Naibuga ko yung cake dahil natawa ako sa sinabi nya. Hahaha!
"O-ok ka lang? Nabilaukan ka ba?" Pag aalala ni Mark. Inabot nya yung tubig na nasa tabi ko.
Kinuha ko naman yung tubig at uminom."Oo, ok lang ako. Hahaha! Natawa ako sa joke mo. Pero seryoso, ano ang bad news?" Sineryoso ko na ang usapan para puro kain na lang ako mamaya. Hahaha.
"Ang bad news, naiwang bukas yung gate, at nalaman ni Lee na nakipagkita sya kay Dark." Sagot nya sa akin.
"Dahil dun, nagrounded yata si Chai? Di lang ako sure kasi nasira yata yung bug na nilagay ko sa bahay nila."Wait? Minamanmanan nya sina Lee at Chai sa bahay?!
"Kailan ka pa naglagay ng bug? Sa bahay nina Lee?"
"Nung nag lunch ako sa bahay nina Lee, kasabay pa namin si Dark eh. Nilagay ko yung bug sa ilalim ng table nila.
"At bakit mo ginawa yun?" Pag uusisa ko. Bakit kasi kailangan nyang mag lagay ng bug kung naka under surveillance sya ng mga tauhan ko? Haist.
"Kasi baka may pinaplano si Lee na masama kay Dark." At ngayon ko lang napansin na parehas na kaming nakaubos ng cake. Ano ba yan di ko man lang naenjoy yung pagkain ko ng cake. *sigh*
"May problema ba, Up?"
"Naubos ko na yung cake. *pout*"
"Hahaha. Gutom ka pa? Gusto mo pa?"
Tumango naman ako. Agad naman tumayo si Mark para umorder.Napatingin naman ako sa paligid ng cafe. Ngayon ko lang napansin na ang ganda pala dito?
BINABASA MO ANG
Dear Memory
Teen FictionMagawa pa kaya nilang mahanap ang kapatid ni Chai? O may malalaman sila mula sa nakaraan?