Chai's POV
Agad ako na umalis sa bahay at pinuntahan yung lugar kung nasaan ang mansion.
Hindi na muna ako nagpaalam kay kuya Lee dahil alam kong hindi niya ako papayagan.
Nagtanong tanong ako sa mga tao dito pero nakakapag taka lang dahil hindi daw nila alam kung ano at saan yun. Napilitan tuloy akong maglakad.
*tapat ng mansion*
Di ko naman alam na ang bilis kong makapunta dito, akala ko aabutin na ako ng gabi.
Halatang luma, nasunog, at napag iwanan na talaga ng panahon ang mansion. Mukha na syang haunted house at halos walang mga katabing bahay dito.
"Iha, naliligaw ka ata. Umuwi ka na sa inyo." Sabi ng isang... manang. Mga nasa edad 30 na siguro siya.
Umalis naman agad yung manang."Teka, saglit lang po." Lumingon naman agad si manang.
"May alam po ba kayo tungkol dito? Nung dati pa po?" Tanong ko sa kanya.
Tinitigan nya lang ako. Sabay luminga linga sa paligid.
Pumunta siya papalapit sakin at binulungan."Umalis ka na lang. Wala kang mapapala." At umalis na sya agad sa harapan ko.
"Please po. Kahit konting info lang po. Kung gusto niyo babayaran ko po kayo. Please..." Lumingon sakin yung manang at sinamaan ako ng tingin. Pero medyo... gumaan yung parang tingin niya sakin.
"Sundan mo ako."
*sa bahay ni manang*
Hinandaan nya ako ng pagkain at tubig hanggang sa nagsimula na siya mag salita.
"Ano ba talaga ang gusto mong malaman? Saka taga saan ka?"
"Ahmm gusto ko pong malaman kung ano pong nangyari dun sa mansion. Saka dayo lang po ako dito." Sabi ko sa kanya. Ang lalim siguro ng iniisip niya. Di na naman siya nagsalita.
"Bakit po ba nagkasunog dun?""May pamilyang naninirahan dun sa mansion dati. Apat sila. Mukha naman silang masaya. Hanggang sa nagkaroon ng problema." Sabi nya sakin.
Pero nakatitig lang sya sa mesa at nakatulala. Ano kayang iniisip niya? Bakit ang lalim?
Saka bakit parang siya lang ang nakaka alam? O baka naman... marami ang nakaka alam pero nananahimik lang sila?
"Ano po bang naging problema?" Tanong ko sa kanya. Di na naman siya umimik. Nagkibit balikat naman siya.
"Nasolve po ba yung problema?" Nagkibit balikat ulit siya.
"Ano pong sunod na nangyari?" Tanong ko sa kanya. Bumuntong hininga siya at umayos ng upo. Nag cross arms rin siya.
"Yun. Nagkasunog. Sabi ng iba, may narinig daw sila na dalawang putok ng baril. Sabi naman ng iba, kasalanan ng isa sa anak nila kung bakit nagkasunog. Andaming sabi sabi nung naganap yun." Wala na akong masabi...
"Tapos biglang nawala yung mga anak nila. Nung sumunod na araw, inimbestigahan nila yung mansion. Pagkatapos ng ilang buwan..." pag puputol niya. Ano ba yan. Cliff hanger. Bigla ba namang mambitin.
"Natigil na ang imbestigasyon." Pag papatuloy niya.
"Bakit po ini-stop? Wala na po ba silang mahanap na clue?" Tanong ko kay manang.
"Oo. Saka... sabi nila may nagpatigil daw. Di ko lang alam kung sino at paano. Iha, may itatanong lang ako sayo."
"Ano po yun?"
"Bakit mo inaalam ang tungkol sa mansion? Sino ka ba?" Teka. Uhmm paano ko ba sasabihin ito? Aish langya! Bakit kasi pupunta punta ka dito Chai nang walang plano?
Isip ng dahilan. Isip, isip...
"Tinatanong kita iha."
"Po? Ano po yun?"
"Sabi ko, sino ka?"
"Ahmm wala po. Dayo lang po ako dito saka naging interesado lang po ako para sa... project po! Sa project po... hehe." Sige lang Chai magsinungaling ka pa.
"Naku gabi na po pala! Sige po babalik na po ako sa amin babye po!" At kumaripas ako ng takbo palabas ng bahay ni manang at naglakad pabalik at umuwi.
Kaya lang naman ako biglang tumakbo ay para di na siya ulit magtanong.
*sa bahay nina Chai at kuya Lee*
"Saan ka nang galing?" Bungad sakin ni kuya Lee.
BINABASA MO ANG
Dear Memory
Teen FictionMagawa pa kaya nilang mahanap ang kapatid ni Chai? O may malalaman sila mula sa nakaraan?