Chapter 11

2 0 0
                                    

Chai's POV

Hanggang ngayon, paulit ulit pa rin yung sinabi sakin ni Dark.

*flashback*
"Sino nga pala yung hinahanap mo dito kuya?" Tanong ko dun sa lalakeng nagdoorbell.

"May kapatid kasi akong nawawala a couple of years ago. Maybe you know someone adopted when she's a little girl?" Sagot naman sakin nung lalaki.

Ngayon ko lang nalaman na ang init na dahil tanghali.

"Err... Wanna come in? Ang init dito eh." Yaya ko sa kanya.

"Sure." At pumasok na kami sa loob.

Dumating na rin sina kuya Mark at kuya Lee. Sumama naman si Kuya Dark dahil ininvite syang kumain kasama namin. After the long stories na kinwento nya, biglang nag iba ang topic.

"Ano ba ang mga naaalala mo about sa kanya? In case we saw her, we'll immediately inform you." Sabi ni Kuya Lee.
Si Kuya Mark, tuloy lang sa paglamon. Halos di na sya ngumunguya eh.

"She's I think about 21 right now. Nagkahiwalay kami ever since the fire on our house started."

Fire? Parang... yung sa panaginip ko dati? Hahaha.

"The last scene I saw her is that I left her outside our house. I think the police and the ambulance got her away to the safe place."

Para talagang hawig sa panaginip ko.

*end of flashback*

Posible kayang hindi ako totoong kapatid ni kuya Lee? Na ako yung tinutukoy ni Dark na nawawalang bata?

Baka naman nagkataon lang...

Ayoko nang magulo ang isipan ko kaya matutulog na muna ako. Baka sakaling maging maganda ang takbo ng isip ko...

"KUYA! Wag mo 'kong iwan dito please!"

"Chai, babalikan kita dito. Pangako yan ni kuya. Wag kang aalis dito ha? Pag dumating ang ambulansya at pulis, sumama ka sa kanila. Ha?

"Kuya, paano sila mama?" Naiiyak na ako.

"Chai, makinig ka. Ako na ang bahala kila mama't papa, ok? Wag kang aalis. Babalikan kita kasama sila."
Hinalikan ako ni kuya sa noo at binigyan ng sobrang mahigpit na yakap.
"Mag- iingat ka, Chai."

"Opo kuya Dark."

Tumakbo ako palabas ng bahay at nakarinig ako ng dalawang pagputok ng baril.

"KUYA!"

"Kuya lumabas ka na jan! Kuya nagmamakaawa ako!" May mga sirena at wangwang akong naririnig.

"Bata, nasaktan ka ba?" Tanong sakin nung pamilyar na lalaki.
"Bata anong pangalan mo?"
"Chai?"

"Chai! Gising! Nanaginip ka na naman." Pinunasan naman ni Kuya yung luha ko sa pisngi.

"A-ano bang nangyayari sayo? Bakit ka sumisigaw?" Tinulungan ako ni Kuya Lee na makaupo sa higaan.

"Ah... *sniffs* Kuya wala yun... H-hindi lang kasi ako n-nakapag dasal." Palusot ko. May tinatago yata sakin si kuya na dapat malaman ko.

"Aish. Chai, magdasal ka na muna. Pagkatapos nyan matulog ka na ah?" Ginulo nya ang buhok ko. Pinatay na nya ang ilaw at lumabas na ng kwarto ko.

Katulad nga ng sinabi ni kuuya ay nagdasal ako.

Lord, kayo po ang pinaka makapangyarihan. Salamat po sa lahat ng biyayang binigay nyo po samin ni kuya. May gusto lang po akong ihiling sa inyo. Sana po mahanap na ni kuya Dark ang kapatid nya. Sana lumanas na ang katotohanan. Amen...

Dear MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon