Chapter 16

6 0 0
                                    

Chai's POV
"KASAMA MO SI DARK?!"

Biglang tumaas yung boses ni kuya Lee. Natatakot ako... Gusto kong umiyak...

"O-oo k-kuya. Kuya s-sorry di ako n-nagp-p-paalam. H-hindi na t-toh mauulit..."

Yumuko naman si kuya. Napansin kong naka close fist rin sya.
Natatakot ako... Baka saktan ako ni kuya.

"Hindi na talaga 'to mauulit. Di ka na nya mahahawakan pa. Bawal na rin kayong magkausap. Bawal ka nang sumama o makipag kita sa kanya."
Cold na pag kakasabi ni kuya.

Kuya bakit? Bakit di pwedeng kasama ko si Dark?

Gusto ko lang naman ng kaibigan, gusto ko lang ng makakausap.

Gusto ko lang maging masaya...

"Chai." -Lee

"E... Ewan ko sayo kuya..." at humagulgol na ako sa iyak. Umakyat na ako sa kwarto ko.

Ayoko muna syang makausap.

Ayoko muna syang makita.

Tinalukbong ko ang kumot sa buong katawan ko.

"Chai. Open up."
"Ayoko kuya. Alis."

Kuya please umalis ka muna... Ayoko munang makausap ka.

"Open up. Let me explain."

Ano pa bang ieexplain nya? Halata naman na gusto nya akong maging loner,

nag iisa,

at ilayo sa mundo.

Di ko kailangan ng explanation mo for now kuya. I need space.

Narinig ko naman na napa *sigh* si kuya. Sumunod ang foot steps nya na paalis sa kwarto.

This is... good. For now.

*click click ting*

What the?!

"Chai, let's talk."
"Kuya, lum-mabas ka. Nga. Muna." Pinapapalayas ko sya sa kwarto habang hinahampas sya ng mga unan ko.

Ang lakas ni kuya. Hindi man lang nya pinoprotektahan sarili nya. Di rin sya umiiwas.

Napagod na ako kakahampas kay kuya pero hindi pa rin sya umaalis at nakatayo pa rin sa harap ng kama ko.

"Are you done now?"

Tinalikuran ko na lang sya.
Ayoko munang kumausap kahit kanino.

"I was just thinking of your safety."
Pag sasalita ni kuya. Nakatalikod pa rin ako sa kanya pero nakikinig ako.

"I don't want you to be hurt. Iniisip ko lang ang makakabuti sayo. Nilalayo lang kita sa masama." Dagdag ni kuya. May gusto ba syang palabasin? Na masamang tao si Dark?

Nababaliw na ako sayo kuya.
"So kuya, nilalayo mo ako kay Dark dahil masama syang tao? O parusa mo 'to sa pag iwang bukas ng gate at pinto?"
Humarap na ako sa kanya at hinihintay ang sagot nya. Nakatingin lang sya sa akin.

"Both. Hope you learned your lesson. Makipag kita ka pa ulit kay Dark, you're grounded." Cold na sabi ni kuya Lee at umalis na sa harapan ko.

Bakit parang ang laki ng problema nya kay Dark? Nagagalit ba sya sa pag sama ko kay Dark o dahil sa pag papabaya ko sa bahay?

Minsan talaga naguguluhan na ako kay kuya Lee. Haist.

*Kuya Dark calling*

Patay. Sasagutin ko ba 'to o hindi?
Pag sinagot ko 'to, magagalit si kuya. Pag hinayaan ko lang, hindi naman nya ako titigilan.
What to do?

Dear MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon