Chapter 13

0 0 0
                                    

Chai's POV

Umagang umaga, maingay na agad sa labas. Sumilip ako sa bintana at mayroong sobrang maitim na usok sa ulap. Yung mga tao, naglalabas ng gamit habang yung iba? Pasimpleng kumukuha ng gamit.

Lumabas ako ng bahay at nakita ko si kuya Lee at kuya Mark, kausap yung kapitbahay namin.

"Oo, ang alam ko, bago magsimula yung sunog ehhh merong parang ano, sumabog dun banda sa may kanto. Buti na lang talaga at nakita niyong dalawa kung hindi ehhh baka di tayo nakatawag nung ano, bumbero." - kapitbahay na lolo, di ko alam ang pangalan niya

"Oo nga ho lo eh, ano kaya ang pinagmulan nung sunog? Ang lakas ng apoy noh? Buti na lang at naapula na. Saktong mahangin pa. Ang bilis kumalat ng apoy pag nagkataon." Si kuya Lee na nakatingin pa rin sa may pinangyarihan ng sunog.

Nararamdaman kong sumisikip yung dibdib ko. Hindi ako makahinga. Ang bigat bigat ng dinadamdam ko at parang ang init ng mata ko. Nararamdaman kong naluluha na ako at agad agad akong pumasok sa kwarto pabalik.

Lee's POV

Habang nagkekwentuhan kami ng lolo dito ay para akong nakarinig ng hikbi. Parang si Chai yung umiiyak?

"Uy pre, si Chai, umiiyak." Sabi sa akin ni Mark.

"Lo, sige ho, balitaan niyo na lang ho kami. Papasok na ho kami sa loob." Pagpapaalam ni Mark dun sa matanda at tumango naman siya bilang tugon.

Agad agad akong tumakbo papasok sa loob ng bahay. Alam kong nakasunod sa akin si Mark.
Umakyat ako ng second floor at kinatok ang kwarto ni Chai.

"Chai... Chai... Buksan mo ang pinto." Sinubukan kong ikutin yung doorknob pero nakabukas pala. Napangisi ng wala sa oras si Mark pero tinignan ko lang siya ng masama.

Mark's POV

Natawa talaga ako kasi epic fail eh. Pinapabukas pa niya yung pinto kahit hindi pala yun nakalock! Sinamaan pa ako ng tingin ni Lee kaya tumigil na ako.

Naabutan naming umiiyak nga si Chai habang tinatakpan niya yung tenga niya.

"Chai, what's wrong? Sabihin mo sa akin." Sabi ni Lee kay Chai pero umiiling lang siya.

Paulit ulit lang yung pagtatanong ni Lee pero ganun pa rin yung ginagawa ni Chai. Hanggang sa bigla na lang siyang nawalan ng malay. Bigla naman kaming nagtaka kasi naging ganun yung nangyari? Inayos na lang ni Lee sa pagkakahiga ni Chai sa kama niya.

*a few moments later*

"Tol, 'di ko alam kung bakit siya umiiyak. Tapos di pa siya nagsasalita. Is she afraid?"

"Sa tingin ko tol, oo. Pero saan siya takot? At mukhang bagong gising lang siya." Sabi ko habang umiinom ng kape. Simula kasi nung nabalitaan naman na may sunog, di pa ako nakakapag almusal.

"So nightmares?"

"Pwede. Pero hindi eh. Si Chai lang makakasagot sa tanong natin." Kinain ko naman yung tinapay na hinand--

"Hoy akin yan." Sabay hablot. Gutom na ako kanina pa eh!

"Akala ko ba akin yan?" Kinukuha ko yung tinapay pero nilalayo niya.

"May pangalan mo? Sige na sayo na yan. I'm just fooling around." Kahit kailan baliw talaga itong si Lee.

Kinuha ko naman yung inabot niyang tinapay sa akin kaya naman kinain ko na ito.

Wait hindi kaya...

"Natrauma si Chai?" Bigla namang naibuga ni Lee yung gatas na iniinom niya.

"Tol ano ba yan?! Bakit mo ako binugahan?!"

"Eh bakit ka kasi bigla biglang nagsasalita! Saka..." Kinuha niya naman yung tissue at inabot sa akin.
"Kapag busog ka, nagiging matino ka?"

"May laman na kasi yung tiyan ko kaya ganun. Anyways. Paano kung natrauma pala si Chai?"

"May point ka. No. Sa tingin ko tama ka. Sa ngayon, di maaalala ni Chai na umiyak siya kanina kaya bukas pa ata siya magigising." Wow, matapos gumising, natulog ulit?

"Wag na lang tayo magbanggit ng kahit anong tungkol sa mga nangyari ngayon." Tumango na lang ako sa kanya.

Dear MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon