Chai's POV
"B-b-b-ba... bakit ang linis?!"
Daig pa ang kwarto ko?! Kung titignan mo ang kwarto nya, akala mo walang lalaking humihiga sa kama. Ang kintab ng sahig, yung tipong kumikinang. At yung mga libro nya, nasa tamang ayos. Yung desk nya, halos walang kalaman laman. Lalaki ba talaga si kuya?
Pero may pumukaw sa atensyon ko. Yung ilalim ng kama ni kuya. May papel dun na lumang luma. Brownish in color, crumpled, at may mga sulat sulat pa. Iniisip ko tuloy kung dapat ko bang basahin yun o hindi.
"Siguro, mawawalan na ng privacy si kuya 'pag binasa ko pa yun. *kibit balikat*" Sinarado ko na ang pinto at nagpunta sa sofa. *yawn* Nakakatawa talaga. Akala ko burara si kuya Lee pero hindi naman pala. Siguro masyado ko lang sya nahusgaan...
Kuya Lee's POV
"Nasubukan nyo na ba syang hanapin sa ***?" Tanong ko sa kanila. Mahigit dalwang oras na kaming nag-uusap. Kahit papaano, may lead na kami sa kung ano talaga ang nangyari kay Chai noon.
"Sinubukan po naming hanapin sa *** pero sabi ng nakausap naming, mahigit apat na taon na daw po syang nagresign doon." Tugon sa akin ng isang babae. "Ayon pa po sa may-ari, noong araw na nagresign da po sya ay tila nagmamadali pa itong umalis. Na para bang may humahabaol o hinahabol sya."
Hinahabol? Humahabol? Sino naman kaya ang hahabulin o hahabol sa kanya? Ano naman ang pakay sa kanya? Sht. Ang dami kong tanong pero walang mga sagot.
"Sa ngayon, icheck nyo muna ang background ng may-ari ng ***. Baka sakaling pinagtatakpan nya lang ang hayop na yun." Nangigigil talaga ako. "Salamat sa tulong niyo."
"Walang anuman po, Mr. Lee." Sabay sabay nilang bati sa akin.
"Ok guys, back to work. Lee, may pag-uusapan pa tayo." Nagsitayuan na ang mga kasamahan ni Mark. Ako at sya na lang ang natitira sa room.
BINABASA MO ANG
Dear Memory
Teen FictionMagawa pa kaya nilang mahanap ang kapatid ni Chai? O may malalaman sila mula sa nakaraan?