Chapter 29

1 0 0
                                    

Habang busy sila sa baba ay umakyat na ako sa ikalawang palapag sa ikalawang kwarto.

May kama rin dito pero sunog na rin yung cabinet. May mga stuff toy pa na nakakalat sa sahig. Lumapit ako sa cabinet at walang laman. Tinignan ko yung ilalim ng kama, wala rin.

Sinubukan kong tignan yung ilalim ng mattress, may nakita akong isang papel. Drawing sya na may apat na stickman. Isang lalaki, isang batang lalaki, isang batang babae, at isang babae.
Napaupo na lang ako sa kama habang tinitignan yung drawing.

"Chai, 'di ba I told you to sleep na."

Bigla na lang may nagsalita mula sa pinto.

Napatingin ako sa nagsalita at sinundan ng tingin.

"Bakit di ka pa natutulog anak, hmm?"

"Mama, di pwa pwo ako anthoook. Thaka may dwowing po atho."

Bigla namang may nagsalita sa likod ko na parang bata.

"Patingin nga anak."

Pumunta yung babae papunta sa kabilang side ng kama at umupo. Tinignan niya yung papel na hawak ng bata.

"Itho si papa, thi kuya, atho at ithaw mama. Thompwete pamwili!"

Masaya yung bata habang tinuturo ang bawat tao sa ginawa niya. Yung babae naman, parang may alinlangan, nakikita ko sa mata niya habang nakangiti siya.

"Ang ganda naman ng drawing ng princess namin. Keep that na and tulog na ha?"

"Opwo mama."

Kiniss ng babae sa noo ang bata at pinatay ang ilaw.

Sht sumasakit ang ulo ko. Naghahallucinate lang ba ako sa nakita ko kanina?

Bigla namang dumilim ang paligid. Hindi ko alam kung bakit pero halos wala akong makita. Baka nabubulag ako.

"Chai! Chai! Wake up!"

"Kuya! Kuya ikaw ba yan?!"

"Chai! Let's get out of here."

May binigay sa akin yung lalaking biglang sumulpot at inabot sa akin yung panyong basa. Sinamahan niya ako sa paglabas habang umuubo siya. Ang bilis namin masyadong tumakbo kaya naman nadapa ako. Dahil nauna si kuya sa akin, binalikan niya ako at itinayo.

"Kuya wag mo 'kong iwan dito please!"

Mark's POV

Nandito ako ngayon sa second floor sa unang room. Kinuha ko yung mga files at pictures na natitira sa room na yun at agad na umalis.

Pagpunta ko sa ikalawang room, nandoon pala si Chai, nakaupo sa kama.

"Chai, pagod ka na ba?"

Sabi ko kay Chai. Para siyang tulala. Maya-maya, unti unti niyang nilingunan ako at tumingin sa bandang pinto (kung nasaan ako) pero parang ang layo ng tingin.

"Chai, ok ka lang?"

Bigla namang siya tumayo at parang bulag, kung saan saan siya tumitingin at para siyang nangangapa.

"Kuya! Kuya ikaw ba yan?!"

"Ahmm Chai, si Mark ito. May sakit ka ba?"

Bigla na lang siyang tumakbo palabas ng silid.

"Chai saglit! Saan ka pupunta?"

Bumaba na siya sa hagdan pero sa kalagitnaan ng pagtakbo niya, nadapa siya bigla. Aalalayan ko sana kaya lang nakarescue na agad si Lee.

Linapitan naming lahat si Chai at pinapakalma.

"Chai, what's happening?" - Lee
"Anyare sayo, Chai?" - Dawn
"Bakit bigla siyang nagkaganyan?" - Up

Luh bigla akong tinanong.

"H-hindi ko alam. Nakita ko siyang nakatulala dun sa taas tapos biglang tumakbo tapos ganyan na."

"Kuya! Wag mo 'kong iwan dito please!"

"Up at Mark, pakiayos ang kama. Dawn, tulungan mo akong pakalmahin sya."

Utos sa amin ni Lee pero di pa rin ako kumikilos dahil gusto kong malaman kung anong susunod na mangyayari.

"Kuya, paano sila mama?"

Nagsasalita pa rin si Chai pero umiiyak na siya ngayon. Si Lee at Dawn naman, tinatapik si Chai para magising sa katotohanan.

"What are you still waiting for? Kumuha na nga lang kayo ng blankets guys."

Hindi ko napansin na kanina pa pala inuutusan kaming dalawa ni Up kaya naman umakyat na kami.

"Opo kuya Dark."

Dark ba kamo?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 06, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon