Lee's POV
Katulad ng sinabi ko kay Mark na umuwi muna para makapag usap kami, nag set ako ng meeting, same time and same place.
"Oh? Wag mong sabihing tulog ka pa rin Mark?" Mukha syang bagong gising. Di nakapag suklay, may laway pa sa gilid.
"Ahmm medyo lang naman. Anyways maupo na muna tayo." Umupo naman kami ni Mark sa mga chairs dito.
Kami lang dalawa ni Mark ang nasa loob ng room kaya okay lang kahit anong pag usapan namin."Uulitin ko na lang yung tanong kahapon." Inis na sabi ko.
"Hindi pagsabi ni Dark ng surname nya? Yung paghahanap nya sa nawawalang kapatid nya a couple of years ago? Lahat yun connected kay Chai. Bakit kailangan nyang ilihim ang surname nya? At bakit kailangan nya pang hanapin si Chai?" Sunod sunod kong tanong sa kanya. Paiba iba ang expression ng mukha nya. Mukhang patay sinding ilaw.
"Anong pino-point out mo, Lee? Anong masama kung di nya sabihin ang surname nya? Anong masama sa paghahanap ng nawawalang kapatid? Masama na ba ang maalalang buhay pa ang kapatid nya at hanapin para kamustahin?" Sabi ni Mark. Di ko alam pero hindi ko gusto ang tono ng pananalita nya. May halong pang aasar, sarcastic kumbaga.
"Anong masama? Wala! Saka bakit sa hinaba haba ng panahon, bakit ngayon lang nya hinanap si Chai?" Tanong ko kay Mark. Parang naaasar na sya.
"Maybe he won't tell his surname for protection o baka dahil ayaw lang nya. At baka ngayon lang nya hinahanap si Chai dahil ngayon lang sya nagkaroon ng lakas ng loob or maybe he's busy with something a few years ago. Bakit ba parang nagdududa ka sa kanya ha, Lee?" Dire diretsong sabi ni Mark. Naiinis na ako. Bakit parang ako pa ang lumalabas na masama dito sa usapan?
"Nagdududa ako dahil iba ang pakiramdam ko sa kanya. Inaaalala ko lang ang kapakanan ni Chai." Kalmado kong sinabi para di halatang naiinis na ako.
Mark's POV
Tinapos ko na agad ang usapan at umalis na sya.Bakit ba parang ang init ng ulo ni Lee kay Dark?
Muntik pa kaming mag away kung hindi lang ako nagkunwaring gagitin ang room for emergency meeting.
*cafe*
Dito muna ako sa cafe para magfreshen up.
*phone rings*
Sino naman kaya tong tumatawag?My Life calling...
Sinagot ko ang tawag ni Up.
"Yes, my life?"Up: Musta? I mean, musta pag uusap nyo ni Lee?
"Muntik na kaming magkasagutan."
Up: Bakit? Baka naman may nasabi kang hindi tama o bad mood?
"Eh kasi naman eh. Parang hinuhusgaan nya yung tao, eh ang bait pa nga nya dahil hinahanap nya ang kapatid nya eh."
Up: Ah si Dark? Baka may kutob lang sya. Or hindi nya gustong malayo si Chai.
Alam mo naman na napamahal na yun kay Chai.*Sir, eto na po ang order nyo.*
Thanks."Oo, alam ko yun. Sana lang talaga at may magandang gagawin tong si Lee kay Dark."
Up: Oh sya, balitaan mo na lang ako. Ibababa ko na toh. Bye.
*toot toot*
Lee, bakit kumukulo ang dugo mo kay Dark? Ano nang pinaplano mo ngayon?
BINABASA MO ANG
Dear Memory
Teen FictionMagawa pa kaya nilang mahanap ang kapatid ni Chai? O may malalaman sila mula sa nakaraan?