Chai's POV
Hindi ako nakatulog dahil sa tuloy tuloy na pag vibrate ng phone ko.
Sabi ko na nga ba at di ako titigilan ni kuya Dark hangga't di ko sinasagot ang tawag nya.Chineck ko ang phone at kinagulat ko yung nasa lock screen ko.
Phone:
10:48 AM
30 missed calls
26 messagesGrabe late na pala ako gumising?!
Kaya pala parang ang bigat ng katawan ko kasi nasobrahan ako sa tulog.
Parang naririnig ko naman si kuya sa baba na may kausap yata. Di ko lang sure kung nasa phone ang kausap nya.
Maya-maya, naririnig kong parang may umaakyat sa hagdan.
Parang papunta sa kwarto ko. Kumatok ito ng tatlong beses."Wake up, Chai. Tanghali na. Baba ka na lang pag gusto mo ng breakfast." Narinig kong sabi ni kuya Lee. Parang bumaba na sya.
*kroook*
Nagugutom na pala ako...
Ayokong bumaba kasi sure ako na nandun si kuya. Pero gutom na ako... Bababa hindi bababa hindi bababa.
Nag stop ako sa may hagdanan. Chineck ko kung andun si kuya. Buti na lang at wala. May takip na naman yung pagkain at may note.
Pinuntahan ko yung table at tinanggal ang takip.
"Pera?" Sabi ko na lang. Bakit pera yung nandito? Tapos tinakpan pa ni kuya? Ano yun, pang thrill? Tinignan ko agad yung nakalagay sa note. Baka inexplain nya.
Note:
Chai, bili ka na lang ng cake sa labas. Love ka ni kuya.
-LeeAno ba yan? Tinamad ba si kuya? O... nagtatampo? Hays.
Kinuha ko na lang yung pera at agad na pumunta sa cafe shop. Dun lang naman may cake na pwede itake out eh.*sa loob ng cafe*
Nakuha ko na yung cake matapos ng ilang minuto. Papalabas na sana ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko.
"Chai?" Si Dark. Paano na? Iiwasan ko ba sya o kakausapin ko.
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad palabas. Pakiramdam ko nakatayo pa rin sya sa likod. Hayaan ko na nga lang. Dumiretso na ako palabas at naglakad pauwi. Kaso nararamdaman kong nakasunod sya sakin. Tumalikod ako para icheck at sinusundan nga nya ako.
"Bakit mo ako sinusundan?" Tanong ko sa kanya. Baka mahuli kami ni kuya.
"Bakit mo ako iniiwasan?" Tanong naman nya sa akin. Tinitigan ko na lang sya at di na ako nakaimik kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
"May nagawa ba ako sayo?" Tanong nya sakin. Ano ba yan, nakakakonsensya naman tong ginawa ko.
"Wala. Lubayan mo na lang ako." Sinabi ko na lang sa kanya at tumakbo papunta sa bahay.
*sa loob ng bahay*
Hays. Buti na lang at hindi pa nya ako sinundan hanggang dito.
Natapos ko na ang pagkain ko sa cake at gawin ang mga daily ritual-- I mean routine. Magwawalis na lang siguro ako. Nasaan na naman kaya si kuya Lee?Hinanap ko sya sa kusina, CR, sa lahat ng kwartong hindi nagagamit, wala sya. Kumatok ako sa kwarto nya pero walang sumasagot.
Naalala ko tuloy yung papel na nakita ko dati sa ilalim ng kama ni kuya Lee. Yung brown at lukot na papel.
Pumasok ako sa loob ng kwarto ni kuya at hinanap yung papel pero wala na yun sa ilalim. Bakit ko nga ba hinahanap yun? Basta. Sinubukan ko sa drawer ng desk nya. Nakita ko na yung papel. Kasama ng mga folders at mga USBs. Para saan kaya yung mga folders?
Sa bawat folder, iba iba ang nakalagay sa gilid. Pero yung pinaka nasa ilalim, nakakapagtaka, pangalan ko ang nakalagay? Pero iba ang surname? Nacucurious ako. Bago pa dumating si kuya, kinuha ko na yung folder pati na ang papel at umakyat papunta sa kwarto.
BINABASA MO ANG
Dear Memory
Teen FictionMagawa pa kaya nilang mahanap ang kapatid ni Chai? O may malalaman sila mula sa nakaraan?