Chapter 8

3 0 0
                                    

Chai's POV
Ano ba kasing tinitignan ng lalakeng toh sa bahay namin? Kanina pa sya nakatambay tapos kanina pa sya nakaharap sa bahay namin.

Minamatyagan ko pa rin sya nang biglang lumakad palapit sa gate. Ayy nako! Ano nang gagawin ko?

Pinindot nya ang doorbell malapit sa gate namin. Pagkatapos ay tumingin tingin sya sa paligid kung may tao. Natatakot ako.

"Tao po?" Sabi ng lalake. Tumingin sya sa bahay at biglang napatingin sa bintana ng kwarto ko. Napatago tuloy ako sa gilid ng bintana ko.

"May tao po ba jan? May itatanong lang po sana ako." Pagtatanong nya. Pakiramdam ko nakatitig lang sya sa bintana ko. Hindi ko alam kung bababa ako o hintayin ko na lang sya umalis.

Lee's POV
"Fine. Suit yourself. But I'll not be responsible pag napahamak kayo." Bahala sila sa buhay nila. Bakit ba kasi kailangan pa nilang mangialam eh hindi naman ako ganoon kahina para hindi maghanap ng sagot mag-isa.

"Ikaw na nga itong tinutulungan, ikaw pa galit. Kami ba talaga ni Dawn ang inaalala mo? O iba?" Pag uusisa ni Rupiah.

"Kayo ni Dawn ang inaalala ko, bahala na kayo sa buhay nyo pag napahamak kayo." Tigas ng bungo nyo.

"Pwedeng manahimik na muna kayo. May kausap ako dito oh?" Biglang salita ni Mark. Sa pakikipagtalo ko kay Up, di ko namalayan na may kausap pala sya sa phone.

"Nasaan sya?.. Ano?.. Kailan pa?.. Sige pupunta na kami jan." At binaba na ni Mark ang phone nya.

"Tungkol saan yun, Mark?" Tanong ni Up.

"Sa bahay nila Lee." Sagot nya kay Up. Tumingin sakin ng seryoso si Mark. "Yung lalakeng nakita kong nagmamasid sa inyo, nasa gate nyo daw sya ngayon. Nagdodoorbell."
Sabi ni Mark. Malakas ang kutob ko na si Dark yun.
"Mark, punta na tayo sa bahay ko." Tumingin ako kay Up at tumango naman sya.

*sa labas ng bahay*
Wait. Nasaan yung nagdodoor bell?
"Mark, akala ko ba may tao dito sa labas?"
"Yun nga rin ang pinagtatataka ko eh. Wait, icocontact ko lang yung tauhan ko." Kukunin na nya sana yung phone sa bulsa nya nang may nakita akong iba sa loob ng bahay namin.

"Mark." Pagtawag ko sa kanya. Napatingin sya sakin habang hawak ang phone nya. Dahil ang tagal kong magsalita, napatingin rin sya sa direksyong minamasdan ko.
"Oo, Lee. Sya nga yung nakita ko dati."

Dear MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon