Bound to be His
Chapter 1
Cellphone
~•~•~•~•~•~•~•
Nagsimula ako sa pag hakbang ng aking mga paa habang hinahanap ko ang aking cellphone sa loob ng aking backpack. Gusto ko sanang tawagan ang aking kaibigang si Taira para ipaalam na malapit na ako sa aming paaralan.
Ako at si Taira ay napapabilang sa mga mag-aaral mula sa ikalabing-dalawang baitang. Ito ang unang araw na tatapak ako sa Carson University bilang isa sa mga pinagpalang estudyante nito samantalang si Taira naman ay dito na nag-aaral simula pa lamang noong bata pa siya.
Agad kong hinatak pababa ang aking palda nang bigla itong hanginin dahil sa mabibilis na pagtakbo ng magagarang sasakyang dumaraan sa aking gilid. Pinagpatuloy ko ang pagtahak sa daan patungo sa bago kong paaralan habang sinusubukang tawagan si Taira. Nang hindi niya sagutin ang pangatlo kong tawag ay nagtipa na lamang ako mensahe para sakanya.
Huminto ako sa paglalakad at namangha sa aking natunghayan. Mula sa sa aking kinatatayuan ay natatanaw ko na ang pangalan ng aking paaralan sa tuktok ng dalawang naglalakihan nitong tarangkahan.
Hindi ko alam kung ano talaga ang dahilan ni mama kung bakit pa niya kami inilipat dito ng aking kapatid. Hindi naman sa ayaw ko pero iniisip ko lamang ang gagastusin niya para pag aralin kami ng aking kapatid sa ganitong kasosyal na paarakan.
Napatingin ako sa mga taong dumaraan at hindi ko maiwasang punahin ang panandalian nilang tingin sa akin. Ganoon ba kahalatang transferee ako o talagang maganda lang ako?
Tiningnan ko ang aking lukot na uniporme at agad itong hinagod nang sa gayon ay maayos kahit papaano. Hinawakan ko ang aking dibdib at dinama ang pagtibok ng aking puso.
Grabe! Nakakakaba!
Pinikit ko ang aking mga mata at huminga ako ng malalim bago ko napagdesisyunan na ipagpatuloy ang paglalakad. Palapit ako ng palapit ay mas nakikita ko na ang mga detalye ng paaralan. Hindi nga ako nagkakamali, sa labas pa lamang ng paaralan ko ngayon ay makikita nang hindi ito basta-basta dahil mula pa lamang sa gate nito ay makikita na kung gaano kaadvance ang paggamit ng teknolohiya rito. Ang disenyo at ekstruktura ng mga gusali nito ay talaga namang ibang-iba at malayong-malayo kumpara sa nakagisnan kong maliit at makipot na paaralan sa probinsya.
Nang makaabot ako sa harapan ng mismong gate nito ay muli akong tumigil sa paglalakad. Kinuha ko ang aking RFID card sa bulsa ng aking vest at itinapat ito sa isang maitim sa device kagaya ng itinuro ni Taira sa akin noon. Nang tumunog ito ay agad akong pumasok sa loob at bumungad kaagad sa akin ang dalawang nakangiting guwardiya.
"Magandang umaga po." bati ko habang nakangiti sa kanila
"Magandang umaga rin, Hija." sabi noong isa habang ang isa naman ay nakatingin lamang sa'kin at nakangiti.
Patuloy ako sa aking paglalakad habang namamangha pa rin sa kakaibang itsura ng paaralan. Makikita mula sa aking gilid ang iba't ibang uri ng mga sasakyang nagtatagisan sa itsura. Mula sa aking harap ay matatanaw ang mga naglalakihang gusaling mayroong iba't ibang disenyo. Sa gitna ng mga ito ay nakapuwesto ang isang malaking flatscreen na mistulang isang billboard kung saan ipinapakita dito ang isang commercial na nagppromote sa school na ito. Hindi na ako nagulat o nagtaka nang makita ko ang aking kaibigan sa isang parte ng commercial dahil alam kong sikat siya rito.
Nawala ako sa pag-iisip nang biglang nagring ang aking cellphone. Agad kong sinagot ang tawag ni Taira.
"Good morning, Zy! I'm so sorry. I woke up late na." bungad nya