Spending Time with Him
CHAPTER 8
Walang masama
"Tabi nga. Para kang linta kung makakapit." Ani ni Taira at siya na mismo ang nagtanggal ng kamay ni Grace kay Zachary.
Tiningnan siya ng masama ni Grace at saka inirapan nang magtagumpay si Taira at agad na pumagitna sa dalawa.
Pinagpatuloy namin ang experiment at nagsulat ng reaction paper. Nang matapos kami ay agad na umalis ang apat naming kagrupo. May pupuntahan pa raw kasi si Kenneth at ang tatlo ko namang kaklase ay sumama na dahil iisang sasakyan lang ang dala nila.
"Pwede bang umuwi ka na?" Pabalang na tanong ni Taira kay Grace.
Ako si Zachary, Evan, Taira at Grace nalang ang natira dito. Balak sana naming dalawa ni Taira na sumama sa tugtog nila Zachary. Kaya lang ay nandito pa si Grace at ayaw naman siyang isama ni Taira.
"Uhmm.. gusto ko sanang sumama sainyo, Zachary. " sagot ni Grace habang malagkit na tinitingnan si Zachary at binabalewala ang sinabi ni Taira.
"Pwes, ayaw ka naming kasama." Agad na sagot ni Taira.
"Hindi naman ikaw ang kinakausap ko kaya pwede bang tumahimik ka?" Pataray ring wika ni Grace.
"Ang kapal mong talaga. May I remind you, nasa pamamahay kita." Nagtaas ng kilay si Taira.
"Girls girls, chill. Taira, don't be rude. Hayaan mo na si Grace." sabi ni Evan na nagpakislap sa mga mata ni Grace at nagpairap naman saming dalawa ni Taira.
"Fine. Pag sinama niyo yan, hindi kami sasama ni Zyrish." hinila ni Taira ang kamay ko papunta sa ikalawang palapag ng bahay.
"Pwede bang 'wag ka munang sumama ngayon?." narinig ko pang boses ni Zachary bago padarag na isinarado ni Taira ang pinto ng kanyang kwarto.
"Nakakasura talaga ang babaeng iyon. Kung bakit ba naman kase pinagsisiksikan ang sarili kay Zachary. Desperate bitch!"
Makaraan ang ilang minuto ay nakarinig ako ng tatlong katok bago sumilip ang ulo ni Zachary.
"Grace went home. Sinakay siya sa taxi ni Evan." sabi ni Zachary na nanatiling nakatayo at hawak ang doorknob.
"Mabuti naman. Wait, bihis lang ako." masayang sabi ni Taira na para bang hindi siya inis kanina-nina lang.
Hinintay kong sumarado ang pinto ng bathroom sa loob ng kwarto ni Taira bago bumaling sa nakatitig na si Zachary.
"Sana ay hinayaan niyo nalang na sumama si Grace. Pwede naman kaming maiwan at dito nalang kami ni Taira." sabi ko at hindi ko alam pero parang labag sa loob ko ang sinabi ko.
"I won't let that happen." Mahinang sabi nito pero sapat na para marinig ko.
Kinunot ko ang aking noo. "Huh?"
"I will not let her stay, if you're the one who will leave." seryoso niyang sabi habang nakatingin pa rin sa'kin.
What was he saying? Tama ba ang pagkakarinig ko? Is he serious?
Naramdaman ko ang pag akyat ng dugo sa aking pisngi kahit na hindi ko alam kung totoo man o hindi ang kanyang sinabi. Eto nanaman ang weird kong feeling.
"Tara na!" napatalon ako sa gulat at naputol ang pagtititigan namin ni Zachary nang bigla nalang lumabas si Taira.
"Limang minuto lang ako sa loob pero parang may nangyari sainyo. Did I miss something?" kunot noong nagpalipat lipat sa'min ni Zachary ang mga mata ni Taira.
