Thank you for everyone who's reading and voting this story. Merci.
Bound to be His
Chapter 2
Zachary
Pumasok na kaming dalawa ni Taira sa loob ng room at naabutan naming naguusap-usap na ang mga estudyanteng tulad namin na napatigil lang dahil sa aming presensiya.
"Transferees?"
"Pre, ang ganda nung mestisa."
"Maganda rin yung chinita. Kamukha nung koreana sa movie'ng pinanood natin. Ano nga uli yon?"
"Tara. Lapitan natin."
"Ayoko. Mukhang mataray."
"Kakausapin lang naman!"
Samu't-saring bulungan at mga pito ang aming natanggap na hindi na lamang namin binigyang pansin.
Ang sabi ni Taira ay dalawang linggo na raw mula nang magsimula ang klase sa paaralang ito habang isang buwan naman ang nakalipas nang magsimula ang klase sa aming lugar.
Bago ako muling maglakad ay luminga muna ako para maghanap ng bakanteng upuan. Wala pa gaanong tao sa unahang row at sa dalawang row naman sa likod ay marami pang espasyo.
Inilipat ko ang aking tingin sa grupo ng mga babaeng tila hindi mapakali sa kanilang upuan. Tiningnan ko naman ang dalawang nasa sulok na tila kinikilig. Ang isa naman ay may itinuro sa direkyon kung nasaan ako na ipinagtaka ko.
"Tabi nga. Tss." malaking boses ang narinig ko sa aking likuran.
Marahas kong ibinaling ang tingin ko sa likod at sinalubong ako ng isang mukhang seryoso ngunit may nakakalokong ngisi sa labi ng isang lalaki. Urgh! Siya!
"Hey! Don't be harsh. Nakakalimutan mo atang pinsan ko yan." sabi ng isang lalaking maputi at chinito nang tumabi siya sa katapat kong lalaki.
Kinunot ko ang aking noo. Eh? Pinsan? Anong sinasabi nito?
"Ew. Wag mo nga ipagsigawan na magpinsan tayo. It's not something to be proud of. Nakakahiya. Salot ka pa man din sa angkan natin!" maarteng sabi ni Taira na nilukot pa ang mukha na tila diring diri.
"The fuck? Hoy. Taira Desree, you should be thankful at may pinsan kang gwapo!"
