Chapter 7

182 10 4
                                        

Spending Time with Him

Chapter 7

Feeling


"Mitsel, wag mong kakalimutan ang pinapadala kong siomai sa Tita Denisse mo ha. Noong isang araw pa niya akong kinukulit para diyan." paalala ni mama na abalang nag aayos ng kanyang sarili.


Tumango ako at nagsalin ng fresh milk sa aking baso.


Maglilimang buwan na ang lumipas simula nang tumungtong ako sa Maynila at nag aral ako sa Carson University . Marami na akong bagong kakilala at kaibigan. At isa na roon ay si Evan na crush na crush ng aking kapatid.


Oo, alam kong mahirap paniwalaan pero maniwala na kayo. Magkaibigan na talaga kaming dalawa.


"Ate, ano mas prefer mo, itong black or blue for my top? " sabay muwestra niya sa kanyang harapan ng dalawang crop top shirts.


Naalala ko pa na nung isang araw ay bigla nalang akong hindi kinibo ni Mikael at nalaman ko nalang kay mama na pinagseselosan ako nito. Akala niya ay may 'something' na raw sa amin ni Evan pero nung nag explain naman ako at sinabing magkaibigan lang kami ng crush niya ay hindi naman niya ko tinantanan sa pangungulit na ipakilala ko naman daw siya kah Evan.


Sinubo ko ang isang siomai na nakabukod doon sa bilin ni mama habang tiningnan kung alin sa dalawang crop tee ang babagay sa kanyang high waisted denim shorts.


"The black one." sabi ko at tumango naman ang kapatid ko tsaka nagmamadaling bumalik sa aming kwarto. Saan naman kaya ang lakad nito?


"Ma, saan ka pupunta?" tumingin ako kay mama na nag aayos na ng buhok ngayon. Pinaikot niya ito at ginawang bun bago ipitan.


"Susunduin namin ng kapatid mo ang papa niyo sa airport. Napaaga siya ng uwi ngayong buwan at hindi na kita inaya at maaabala ka pa." Napangiti ako sa narinig ko, uuwi na si Papa! Sayang nga lang at hindi ako makakasama sa pagsundo.


"Mikael, dalian mong bata ka. Sa airport lang ang punta natin kaya wag ka nang mag ayos masyado." ani ni Mama.


Napatawa nalang ako ng palihim. Kung makapagsalita si mama ay tila hindi siya ayos na ayos sa suot nyang itim na dress na bumagay sa gold niyang heels. Naglagay rin siya ng kolorete sa mukha na hindi naman niya kadalasang ginagawa. Siguro ay nagpapaganda para kay Papa.


Lumabas ng kwarto si Mikael, suot ang white na t-shirt na may kung anong nakasulat. Nakatuck-in ito sa isang denim shorts na bumagay sa suot niyang boots.



Napailing nalang ako. Madalas ay ganyan siya, magtatanong ng bagay sakanya pero sa huli ay wala sa pinagpilian ko ang isusuot. Hindi ko alam kung hindi ba katiwatiwala ang taste ko o talagang may mas maganda lang kesa sa mga pinipili ko.


"Ma, tara na! Bye, ate. Sabihin mo naman kay Evan, pansinin ako ha." sabi niya bago lumabas ng pintuan.


Kahit close na kami ni Evan ay ayoko pa ring pagsamantalahan iyon para  lang mailakad sakanya si Mikael. Isa pa ay ayokong masaktan lang ang kapatid ko. Hindi tao si Evan, bato ang gusto niya!


"Yung siomai ha. Mag-iingat ka. Ikamusta mo ako kay Zachary." tila kinikilig na sabi ni mama bago tuluyang umalis.


Nakilala na ni mama si Zachary nang minsan niya akong inihatid dito. Ang akala pa nga ni mama ay nililigawan ako ni Zachary at nanghinayang pa siya nang sinabi kong hindi. Sinabi pa niya sa'kin na kung magkakanobyo raw ako ay gusto niya ang tipo ni Zachary na gwapo, mabait at magalang. Okay, gwapo naman talaga siya pero ang sabihing mabait at magalang ay hindi katanggap-tanggap!


Bound to be HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon