Bound to be His
Chapter 4
Tao ka ba?
"Susunduin ka ba ng driver nyo o maglalakad ka lang?" tanong ko kay Taira habang naglalakad palabas ng gate ng Carson University.
"Maglalakad nalang sana. Pero nagtext si Mommy kanina, pupuntahan daw ako ni Kuya Gavin. Ikaw ba?"
"Baka maglalakad lang, wala kong driver e." natatawa kong sabi.
Natawa rin si Taira ng marealize na wala namang susundo sakin dahil wala namang may kotse sa aming pamilya.
"Taira Desree!" tawag ng isang boses ng lalaki sa aming likuran.
Nilingon namin siya ni Taira at awtomatikong nanglaki ang mga mata ko ng mapagtanto kung sino ito.
"Kuya!"sabik na tumakbo si Taira at sinalubong ang kanyang kapatid.
"Kailan ka pa umuwi?" tanong niya sa kapatid ng makawala sa yakap nito.
"A week ago. Galing akong Bulacan. Kala ko ay nandoon kayo." sabi nito at tumingin sa gawi ko.
Bata pa kami ni Taira ng huli ko siyang nakita at masasabi kong malaki na ang pinagbago niya. Matangkad na siya kaya naman hanggang baba lang niya si Taira at leeg naman siguro kung ako. Mas lalo rin siyang pumuti.
Lumapit silang dalawa sa'kin habang nasa ere ang magkabilang braso ni Gavin. Naglakad na rin ako palapit at yumakap sakanya.
"Hi Zyrish. Kamusta? Liit mo pa rin a." Bati nito.
Kumalas ako sa pagkakayakap at mahina siyang pinalo sa kanyang dibdib.
Kasabay naming lumaki si Gavin sa Bulacan pero simula nang nag grade seven siya ay ipinadala siya ng kanyang Daddy sa Manila. Ang sabi pa ni Taira sa akin dati ay tumutulong na raw ito ngayon sa pagpapatakbo ng negosyo ng kanilang pamilya.
"Ayos naman. Unang araw naming pumasok ngayon. Ikaw ba kamusta na? Ang dami nang nagbago sayo a. Ibang-iba ka na." dirediretso kong sabi at ngumiti.
"Okay rin naman. I'm going to stay here in Manila for the meantime para mas mabantayan ko ang bagong bukas na branch. Walang nagbago sa'yo ah. Mas gumanda ka lang lalo." Saad ni Gavin.
"Bolero ka pa rin hanggang ngayon."
