Hindi ako makahinga. Hindi ko siya matignan. Tinawag niya ko. Buti naman at naaalala pa niya kung sino ako.Dang!Malamang umalis ako ng walang sabi sabi.
Tumunog na yung elevator palatandaan na nandito na ko sa way papunta sa canteen.
Pagkatapos kong bumili,agad akong naghanap ng mauupuan ko.Buti naman wala masyadong tao.Pumwesto ako sa pinakamalapit na upuan at kumain.
Biglang may isang lalaking umupo sa kabilang side ng table at kilalang kilala ko ito.Amoy palang nya alam ko na.Tumingin ako sa ibang tables para makita kung wala nang mauupuan at wow ha kung makaupo sya diyo parang wala nang bakante.Ako nga lang at siya ang tao rito bukod sa apat na employees sa may dulong table.Ano bang magagawa ko at nagrereklamo pa ko. Siya nga pala ang boss.
Kakain na sana siya pero pinigilan ko. "Hep.Hindi ka kumakain ng ganyan." sabi ko at pinagpalit yung food namin.
"I used to eat it when you left me.Hindi mo lang alam dahip wala ka na nga. " he said na parang wala lang yung sinabi nya
"O-oh. Good. H-healthy yan. Hehe." sabi ko at kumain nalang. Parang nawala bigla yung gutom ko.
"You made my life a hell when you left me and now that I found you. I'll make your life like mine too. " kinilabutan naman ako sa sinabi nya.Anong hell? Dapat nga magpakasaya na sya dahil umalis ako.Pwedeng pwede na sila ni Trixie!
"Bakit? Nung magkasama ba tayo naisip mo bang itanong sakin kung naging masaya ako?" tumayo na ko at iniwan sya. Nakakawalang gana kumain.Nakakasura siya.Kala naman niya nag-enjoy siyang kasama ako sa iisang bahay. Oo nga pala. Bakit hindi siya mageenjoy?Oo nga pala,kaya nga siya pumayag dahil gusto niya ko gantihan.
.
.
.
.
.
.
"Ms. Lopez, bilis bilisan mo naman ang trabaho mo.Wag kang tumitig titig lang dyan. Tsk. Eto pa ang susunod na set ng files." Ms.Cruz said and put the files on my table. Geez. Bakit parang sakin lang nila binibigay lahat ng files? Ako lang ba ang may karapatan sa paper works? Nananadya ba sila?
"Bakla,gora na ko ha."paalam ni Mico at nagmamadaling umalis.Magpupunta siguro ulit sa bar? Ang bakla talagang iyon.
Dalawa na lang matatapos na rin ako.
"Tapos na rin sa wakas! " tumingin ako sa relo ko. Inabot na rin pala ako ng gabi dito.Gutom na rin ako.
Nagaayos ako ng gamit nang biglang nagring yung phone ko.Muntik na ata ako atakihin sa gulat.
"Darryl? Napatawag ka."
"Where are you? Wala ka sa condo mo. " he asked.Simula ng umalis ako siya na ang nakasama ko.
Lumayo kasi ako sa lugar namin.Nung mga panahon kasing yon, ayoko talaga silang makitang lahat kasi naaalala ko lang ang lahat pag nakikita ko sila.Kahit si Darryl kaso lagi siyang nagiinsist.And luckily,malapit lang din yung company na hinahandle nya dito workplace ko.About my work, hindi ko alam kung bakit natanggap ako. Haha.
"Still with me,Zy?"
"Y-yeah yeah. May sinasabi ka ba?"
"I'm asking if where are you? Right now."
"Office.Overtime ako e. " i said. Kung hindi lang dahil sa papers na yun! :/
"Kain tayo. I'm pretty sure you're hungry. " sabi nya. Good timing talaga siya.Gutom na talaga ko e.
"Okay. Sunduin mo ko. I'll wait infront of the building." sabi ko the press the end button.
Sumakay na ko ng elevator. Napansin ko rin na medyo madilim na.Kaunti nalang siguro ang mga tao or wala na talaga.
"Wait!" nabigla ako sa sumigaw. Si Zack yun ah. Nandito pa sya? Dang. Syempre nandito pa.
At dahil ayoko siyang kasabay. Pilit kong pinasata yung elevator at buti naman marunong makisama ang isang 'to.
Umupo muna ako sa hagdan sa harap ng building. Nakakapagod at nakakagulat ang araw na to.
Inaantok na ako pero nandun pa rin yung gutom. Nilagay ko sa lap ko yung bag para masandalan ko.
Konto nalang makakatulog na ko. Nasan na ba kasi yun?
Nagulat ako nang bigla akong umangat at pagdilat ko nakasandal na ko sa isang braso ng lalaki.
"Why are you still here?" he asked.
"I'm waiting for someone."sabi ko.Bigla naman syang nagflinch. Aalisin ko na sana yung pagkakasandal ko kasi baka hindi siya comfortable pero pinigilan nya ko.
"It's okay.If you're waiting for someone,sasamahan kita."
"Zack, hindi mo naman kailangan gawin yun. " sabi ko.Bakit nanggaganito sya?
"I insist.Mamaya kung mapaano ka pa. " he said. Look who's caring. Para namang hindi ko to ginagawa araw-araw.Tsaka hindi naman ako mapapano dito kasi andyan pa yung mga gaurds.
"Zy, why'd you leave? " he asked.Bakit parang may lungkot sa boses niya?
Tama ba na sabihin ko sakanya yung dahilan?Baka naman ginagawa lang niya to kasi ako pa ang nang-iwan at masisira ang ego niya?
"I left because I need some space,Zack.That night, narinig ko kayong nag-uusap ni Trixie.Nandun ako nun nang sinabi mong gumaganti ka lang na hindi mo naman talaga ko gusto na siya lang talaga. I was there the whole time.Rinig na rinig ko lahat.Alam mong hindi ko naman pinagpilitan yung arrange marriage na yun. " pageexplain ko. Geez. Looks like mapapaiyak nanaman ako ng di oras.
"Wrong. You're wrong. Hindi mo narinig lahat." he said. "I told you to ask me first bago ka umalis nang umalis pero hindi mo ginawa. "
Napatayo ako sa sinabi nya at ganun din sya. "Zack, sa tingin mo maniniwala pa ko sayo kung lahat ng narinig ko kabaliktaran ng sasabihin mo. Ano? Sasabihin mo na ginawa mo yun para tigilan tayo ni Trixie? Na ako ang mahal mo?Na hindi ka gumaganti? Tingin mo paniniwalaan ko yun?"
"Irish!" nandito na pala siya. Thank God.
"Hernandez."bulong ni Zack na parang nag init bigla nang makita si Darryl.
"Lee."ganting sagot nito
"Tara na, Darryl. " yaya ko.Buti nalang sanay na si Darryl sakin kaya hindi na ko masyadong nahihiya na makita nya kong umiiyak though nakakahiya pa rin.
Nauna nang maglakad si Darryl dahil pinigilan ako ni Zack.
"So,you're living with him?Ang dami mo pang sinasabi yun pala magkasama kayo.Fuck."he said, mad. Galit siya? Wow ha. Kung totoo mang magkasama kami ni Darryl ay wala na dapat syang paki doon.
"Zack, nagpakatanga ako noon pero hindi ako desperadang babae." i said then leave him.
TBC~Vomment~Ciao~
