Chapter 12

166 9 0
                                        

Spending Time With Him

Chapter 12

Dress


Ilang araw na ang lumipas mula ng sabihin ni Zachary na gusto niya ako. Ilang gabi rin akong hindi pinatulog ng maayos dahil sakanya. Binabagabag ng kanyang sinabi ang aking isipan.
Anong klase ba kasing pagkagusto? Pagkagustong tulad ng akin? O gusto in a way na kaibigan? Kapatid? Kaklase? Kapwa? 'I like you' lang ang kanyang sinabi. Walang "as something".


Bakit ko pa ba kase pinag aaksayahan ng panahon na pag isipan ang ganong bagay. Nagooverthink lang siguro ako, wala rin namang kakaibang makikinita sa ikinikilos ni Zachary para masabing may gusto siya sa akin. Infact, may tatlong araw na siguro mula ngayon na hindi kami nagkikibuan. Ewan ko ba basta bigla nalang niya akong hindi kinausap. Kahit sa room pa na magkatabi lang kami. Ang lagi niyang kausap ay si Inigo. Kapag naman wala si Inigo at tumatabi sa ibang babae ay si Evan na hindi namamansin ang kakausapin niya. Kakausapin lang niya ko kapag related sa pag aaral na kailangan talagang mag usap. Bakit? May nagawa ba ko para iwasan niya? Sa pagkakatanda ko ay wala naman ah! So, anong dahilan ng pag iwas niya? Si Grace ba? Asan na yung sinasabi niyang gusto niyang maging close kami?


Nawala ako sa pag iisip nang nilingap ang pintuang kakabukas lang.


"Saan pupunta si Mikael?" tanong ni Taira na lumalakad na papunta sa aking kama.


Nagkibit balikat lang ako sa tanong niya. Hindi naman nagpaalam sa'kin ang kapatid ko. Siguro ay magliliwaliw lang iyon kasama ang mga kaibigan. Maglalakwatsa. Daig pa ang ate niya na nandito lang sa loob ng kwarto at may malalim na iniisip.



"Pupunta ka ba kayla Evan?" tanong ni Taira na bigla nalang bumagsak sa kama.


Tumingin ako sakanya. "Bakit pupunta? Anong meron?"


"Like duh! Birthday kaya ni Evan ngayon. Sa pagkakaalam ko ay ikaw ang pinaka kaclose niya tapos ay hindi mo alam?" tinaasan niya ako ng kilay.


Shiz! Ngayon ba iyon? At alam ko kung anong petsa ang kaarawan ni Evan pero hindi ko alam na ngayong araw na pala ito.


"Alam ko. Nakalimutan ko lang... Wala akong regalo." nag iwas ako ng tingin lalo na nang mapagtanto kong wala akong gift kay Evan! Gahd! Hindi nalang siguro ako pupunta. Tapos batiin ko nalang siya through text or sa kahit anong social media sites. 


"Oh! Ano ka ba. It's okay. Ako rin naman walang gift para sakanya e. Wala namang paki si Evan sa mga regalo. Kung may gusto siya ay siya ang bibili non para sa sarili niya kaya no worries para sating dalawa. Tsaka kahit nga itong party para sa kanya ay ayaw niya pero dahil mapilit ang mommy ni Evan, wala na siyang nagawa." sabi ni Taira na nagpagaan sa loob ko. Tama siya pero hindi pa rin maganda na aattend ako sa birthday party ni Evan na walang dala kahit ano. Lalo pa at kaibigan niya ako.



"Tara na. Magsisimula na ang party mamayang 6 at three o'clock na ngayon kaya simulan na natin mag ayos. Hindi pwedeng wala tayo doon lalo ka na! Kailangan ka ni Evan doon." hinila na ko ni Taira patayo sa aking kama kaya nagpatianod nalang ako. Dapat ay magkagirlfriend na itong si Evan e.


"Hindi pa ko nagpapaalam kay mama. At saka wala akong damit na susuotin." turo ko sa closet kong puro pang casual lang ang laman. Ano kaya ang theme ng party ni Evan? Wala naman akong gown para sa mga pormal na okasyon.

Bound to be HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon