Chapter 16

158 7 0
                                    

Spending Time with Him 

 Chapter 16

HHWW

Kasalukuyan akong nakayuko at pilit na natutulog sa kabila nang ingay sa aking paligid. I stayed up all night para matapos lahat ng dapat tapusin at ipasa ngayong araw. Isama pa ang sunod sunod na quizzes. Kung bakit ba naman kase ganoon. May time na sobrang stress-free ka tapos bigla nalang isang araw tambak ka na ng gawain. 

Mabuti nalang at lunch break namin ngayon. Hindi na ako lumabas para kumain dahil nakakatamad at inaantok talaga ako. Isa pa, ang tirik na tirik na araw sa labas ay isa pang dahilan kung bakit gusto ko nalang mag stay dito sa loob ng room at yakapin ang aircon. Ibang iba na talaga ang init ngayon, tila nakakapaso pag natapat sayo.

Napaangat ako ng tingin dahil sa pagtataka kung bakit bigla nalang tumahimik sa aming classroom. Namataan ko ang adviser namin sa harapan na tila hinihintay na magfocus lahat ng mga mata sakanya. Tumingin ako sa paligid at nakitang wala na rin yung mga taga ibang section dito.

"Okay class, early dismissal kayo ngayon because we will have a general faculty meeting today at exactly 1 o'clock in the afternoon and what time is it?" 

"Magoone na ma'am."  sagot ng isa kong kaklase.

"Oh right. So you are all free to go. Goodbye everyone. Have a good weekend." pagkatapos niyang sabihin iyon ay nagmamadali na siyang umalis. Malalate na kase sa meeting.

"Wooooh! Yes! Half day! Walang nang quiz!" sigaw ni Inigo na sinabayan pa ng iba.

Tumingin ako kay Taira na natatawa nalang sa kanyang pinsan.

"Taira." tawag ko habang kinakalabit siya.

"Uuwi ka na ba? Susunduin ka ni Gavin?" tanong ko.

Mag iisang linggo na ata ang lumipas mula ng huli kong makita ko si Gavin. Siya kase ang naghahatid-sundo kay Taira nitong nakaraang buwan kaya nakasanayan ko nang siya ang kumukuha kay Taira dito sa school.

Umiling siya bilang sagot.

"Ayoko pa umuwi. Wala naman akong kasama sa bahay." sabi niya.

"Nasaan ba si Gavin?" pang uusisa ko

"Nasa Manila siya ngayon e. May inutos kase si Mommy sakanya." sagot ni Taira sakin

"Ah. Kelan daw ang balik?" tanong ko pang muli

"Ewan ko lang rin. Ikaw ha, bakit mo hinahanap si kuya? Miss mo na ba? Yieeee. Sumbong kita kay Zack." panloloko niya.

"Uy ano ka ba. Nagtanong lang e. Halos isang linggo na kasing 'di ka niya inihahatid dito kaya napatanong ako." agad kong depensa 

"Okay." mapag asar niyang wika.

Nag iwas ako ng tingin sakanya at kinuha ko nalang ang mga libro ko sa desk. Inayos ko iyon at inilagay sa bag. Ayos, maaga ang uwian. Mapapasarap rin ang tulog ko. Magbabawi talaga ako ng tulog mamaya pag uwi.

"Taira! Zy! Manonood kami. Sama kayo?" pag aaya nito nang tuluyang makalapit.

"No thanks!" agad na pagtanggi ni Taira.

Gusto ko rin sanang umayaw dahil gustong gusto kong matulog. At baka kung sumama man ako ay makatulog lang rin ako doon.

"Bakit naman? May lakad kayo ni Zyrish?" tanong nito.

Tumingin siya sakin saglit at tumingin ulit kay Taira.

"Wala naman kaming lakad ni Zy. Pero balak ko siyang ayain magmall." sagot ni Taira sa pinsan niya

Bound to be HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon