Chapter 51

41 1 1
                                        

Hinatid ulit ako pabalik ni Tita sa condo ni Zack though ayoko mag stay dito but Tita insisted,masyado na daw gabi kung uuwi pa ko at baka mapahamak. I don't think so. Feeling ko mas mapapahamak pa ko rito.

Si Zack nga pala. Dali dali akong pumunta sa kwarto ni Zack to check on him.

Nakadim pa rin ang lights at yun pa rin ang suot nya.Kumuha ako ng kahit anong t-shirt na madampot ko sa closet nya at binihisan sya.

Pagkatapos kong palitan sya ng damit ay nagshower muna ako bago matulog.Speaking of pagtulog, sa couch nalang ako matutulog tutal hindi naman ako pwedeng patabi tabi nalang sa kama nya.

Nagising ako ng may mabigat na bagay akong maramdaman na nakapatong sakin at pagtingin ko ay braso pala iyon ni Zack.Paano naman ako nakapunta dito? Naglakad?Stupid me.Baka iba pa isipin nito.

Dahan dahan kong tinanggal ang nakapatong niyang braso sa aking bewang para hindi siya magising at mabilis na lumabas.Magluluto muna ako bago umalis.

Pagkatapos kong magluto ay umuwi muna ako sa condo ko para makapagpalit ng damit. Buti nalang at maaga pa, medyo malayo rin ang lugar ko rito.

"Ms. Lopez,delivery po." sabi ni Peter na bigla bigla nalang sumusulpot sa gilid ko.

"Huh? Hindi ako nagpadeliver.Baka nagkamali ka lang.  " sabi ko at tumingin na ulit sa computer na nasa harapan ko.Bago pa matapos ang araw na to ay kailangan ko na itong tapusin at personal na ibigay kay Zack.

"Ma'am naman. Pinabibigay ho 'to." sabi niya at inilapag sa gilid ng desk ko.

"Nino?"tanong ko nang hindi tumitingin dito.

"Secret." malokong sagot ni Peter.Tinignan ko siya saglit at bumalik ulit sa ginagawa ko.

"Si ma'am naman, hindi maistorbo.Pinabibigay po 'yan ni Sir Zack." napatigil naman ako sa pagttype at parang kinabahan ako bigla sa sinabi ni Peter.Umalis na ito at bumalik sa trabaho.Maghahapon na pala,hindi ko manlang napansin.Hindi pa rin pala ako nakakakain. Pano naman niya nalaman na hindi pa ko kumakain?At bakit naman niya ko binigyan ng pagkain?

Hindi ko muna 'yon pinansin at nagsimula ulit nagtype.Napatigil lang ako ng tumunog ang phone ko.

Zack:

"You should eat."

Ibinalik ko sa bag ang phone ko.Ano bang paki niya kung hindi ako kumain? Tsaka busy ako at kakain ako kung kelan ko gusto. Uutos-utusan niya ko rito tapos kala mo kung sino makapagpakain sakin.

Magttype na sana ulit ako pero tumawag ang bwisit.

"Eat."bungad niya sakin.

"Ano ako, aso? Eat, stand, roll over, play dead?! " sigaw ko sakanya.

"You're not a dog, sweetheart."

"At pa sweetheart sweetheart ka pa dyan.For your information, Mr.Lee,oras ng trabaho ngayon kaya kung wala kang sasabihing importante ay wag mo akong tawag-tawagan.Si Trixie ang guluhin mo,sasaya ka pa." sabi ko at binabaan siya.Palibhasa siya ang boss kaya ganun kung makaasta.Pero paano nga kung si Trixie ang guluhin niya imbes na ako? Bahala na nga.

Konti nalang at matatapos na ko.Nag-inat inat muna ako at tumingin sa orasan. Mag aalasais na pala ng gabi at nakakarinig na ko ng banda sa tyan ko.Gutom na ko pero uunahin ko muna itong report na ito bago kumain para wala na kong problema.

Papaalis na rin ang mga katrabaho ko,for sure  magiging loner nanaman ako dito.

Narinig kong tumunog ang elevator pero hindi ko na pinansin, baka may bumalik lang dahil may nakalimutan sila o baka may papaalis palang ng office.

"You didn't eat your food." kinilabutan ako ng marinig ko ang boses na iyon.

"Busy ako." i tried to act normal at hindi tumingin sakanya kahit na parang may drum na tumutunog sa kaloob-looban ko.

"Mas uunahin mo pa ba 'yan?" giit niya.Tumingin ako sandali sakanya at nakita kong galit siya kaya nag-iwas kaagad ako ng tingin.

"Wala ka nang paki roon.You shouldn't care about me." sabi ko sinave ang document na kakatapos ko lang gawin.Makakauwi na rin ako at higit sa lahat ay makakakain na.

"Ofcourse,I care!Fuck!I need to take care of you dahil yun ang gusto ko. I need to know all the things you did when you effin left me.Lahat lahat.All the things connected to you.Mula nang iwan mo ko at bumalik ka.Damn girl.I want to know all about it.Fuck." he said and i froze for a moment bago nakasagot.

"Zack,bakit?" napanganga naman siya sa sagot ko.Tinignan ko siya mata sa mata at ganun din siya.

"Bakit mo to ginagawa?Diba dapat masaya ka na nang iniwan kita?Bakit pinapahirap mo lalo ang sitwasyon?I heard all the things you've said mula sa siya ang gusto mo at hindi ako. Na siya ang pipiliin mo at ako,mananatiling umaasa. Na siya ang mahal mo at ako ang nagpapakatanga.Bakit hindi ka nalang umalis sa buhay ko? Bakit ba gustong gusto mong guluhin ako? Hindi pa ba sapat 'yon? Kulang pa ba ha?! "i can't stop myself from crying.Ang unfair kase.

Niyakap naman nya ko ng mahigpit, sobrang higpit ng yakap niya.Ang sarap pero ang sakit. Dammit.

"Is it painful to love me? Do you want to stop?" i can hear his sobs.

~Vote and Comment please.

Yay!

Bound to be HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon