Chapter 3

250 14 4
                                    

Bound to be His

Chapter 3

Wrong


"Taira Taira!" tawag ni Inigo at nang makalapit ay inakbayan si Taira.



Kung hindi ko lang alam na magpinsan ang dalawang ito ay iisipin kong may relasyon sila.



"Sabay kami sa inyo." sabi nito at itinuro ang tatlo pa niyang kasama.



Si Clifford na seryosong nakatingin sa amin, si Evan na may makakabit na earphones sa kanyang tainga at napapa head bang pa ng kaonti, at si Zachary na may ngisi nanaman sa kanyang mukha.



"Order kami nina Zach at Inigo. Seats naman ang sa inyo." sabi ni Clifford nang nakapasok na kami sa canteen at nauna na para pumila.



"Carbonara at iced tea ang samin ni Zy, Igo." tumango naman siya at tumingin kay Zachary para magtanong.



"Katulad nalang sainyo tsaka iced tea rin." Pagsabi niya ng kanya.



"Kahit ano." tipid salitang saad ni Evan kahit hindi pa man din siya tinatanong.



"Dude, plato gusto mo? Tara nga don." At hinatak ni Inigo si Evan sa pila at kami namang natira ay naghanap na ng mauupuan para sa aming anim.



"Doon tayo o." turo ko sa pang animang tao na wala pang umookupa. Nang naglalakad na kami ay hindi ko maiwasang maasiwa sa mga tingin ng tao na panay rin ang bulungan.



"Grabe ang sikat niyo dito a. Kaninang umaga lang. Tsk tsk. Daming fan girls."



"Gwapo e." Mayabang na sabi ni Zachary. Wow, alam mo ba yung salitang H-U-M-B-L-E? Yun ang salitang hindi mo makikita ni sa dulo man ng kuko ng taong ito.



"Yabang." bulong ko na alam kong narinig naman niya kaya siya napatingin sa'kin at mas nilakihan ang ngisi.


"So, what school did you two come from?" tanong niyang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung ako ba ang sasagot o si Taira kaya naman umiwas na lang ako ng tingin at dumiretso sa upuan.


"Sa isang public school sa Bulacan." Sagot ni Taira.


"Bakit lumipat kayo dito?" Tanong muli ni Zach.



Umupo siya sa katapat kong upuan at nangalumbaba.



"Change of environment, you know. Si Zy naman scholar kaya lumipat. Mas maganda na rin na nandito na kami para masanay na siya sa Maynila." 



Naunang bumalik si Clifford at Evan sa aming pwesto habang si Inigo naman ay naiwan at tumabi sa grupo ng tatlong babae. Tiningnan rin ito ni Taira at napailing nalang siya sa kanyang pinsan. Nagsimula na kaming kumain habang nag uusap usap silang tatlo. Kung minsan ay nakikisali rin ako kapag tinatanong nila ko o kung may maganda man akong masasabi tungkol sa pinag uusasapan. Si Evan naman ay tahimik na nakikinig at kumakain.


Bound to be HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon