Spending Time With Him
Chapter 13
As well as
"Happy Birthday, Big Boy." bati ko ng makalapit kay Evan.
"Zy! Akala ko hindi ka na dadating e." inilahad niya ang kanyang braso at sinalubong ako ng yakap.
"Wala akong gift." nahihiya kong bulong. Kulang kase ang oras ko ngayon para maghanap at bumili pa ng regalo para kay Evan. Wala nang oras. Sana pala ay kahit birthday card manlang ay gumawa ako. Kahit na pambata atleast may effort.
Umubo si Zachary dahilan kung bakit binitiwan ako ni Evan.
"Yung iyo pa naman ang hinihintay ko." ngumuso si Evan at ang cute cute niya lang tingnan. Nakakaguilty lang tuloy lalo.
Bumaling ako kay Zachary at tinaasan siya ng kilay bago tumingin ulit kay Evan.
"Sorry. Nakalimutan ko kasing linggo pala ngayon. Ang akala ko ay sabado palang kaya hindi ako nakabili ng ireregalo ko sayo. Kinapos na ko sa oras. Sorry talaga."
Ngumuso siya lalo.
"Sayang at hindi ko naisama si Zandra Mikael. Pwede pa namang siya ang iregalo ko sayo." pagbibiro ko.
"Tss. She's already here. With someone. Naunahan ka pa." seryoso niyang sabi kasabay ng pagturo sa isang babaeng nakaupo malapit sa aming pwesto.
Kumunot ang noo ko at sinuring mabuti ang nasa kabilang round table. Si Mikael nga! So, siya talaga ang nakita ko kanina. Kaya naman pala bihis na bihis ng umalis sa kwarto namin kanina, dito pala ang punta. Pero ang nakapagtataka ay kung paano siya nakapasok dito. Inimbitahan siya ni Evan?
Tumingin ako at sinenyasan si Evan bago ko siya iwan. Naglakad ako paalis at pumunta sa kapatid kong nakikipagtawanan ngayon kay Inigo.
"Ang tagal niyong magyakapan ah." Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ang seryosong mukha ni Zachary.
"May pinag uusapan kase kami ni Evan."
Mas lalo siyang nagkunot ng noo. Hindi pa man kami tapos sa pag uusap ay agad ko na siyang tinalikuran. I need to talk to my sister.
"And? Kailangan bang nakaakap ka pa? Hindi ba pwedeng marinig ko? Anong sinabi mo?" nilingon ko si Zachary na sumusunod sakin sa paglalakad.
"Sinabi ko lang na wala akong regalo sakanya."
"Yun lang? Ang tagal niyong magkayakap tapos ay yun lang?" nagtanong ka pa kung hindi ka naman pala maniniwala!
"Ewan ko sa'yo, Zachary." inis kong sabi bago tuluyang makalapit sa pwesto ng kapatid ko.
