Chapter 10

177 9 2
                                        

SPENDING TIME WITH HIM

CHAPTER 10

Wag kay Zyrish


"Taira! Zyrish! Dito!" sigaw ni Inigo na iwinawagayway ang kanang kamay at marahan namang tinatapik ng isang kamay ang bakanteng upuan.

Mabilis na naglakad palapit si Taira sa grupo nila Inigo kaya naman wala akong choice kundi  ang sumunod sakanya.  Mula ng gabing umuwi si papa at hinatid ako ni Zachary sa amin ay napag isip isip kong kailangan ko siyang iwasan. Ayokong malaman pa niyang may gusto ako sakanya. Pagkahumaling lang naman ito at hindi na lalagpas doon... Pagkahumaling na kalaunan rin ay mawawala.

Umupo si Taira sa tabi ni Inigo at uupo na rin dapat ako sa tabi niya kung hindi lang lumipat si Evan ng upuan. Nakuha pa niyang tingnan ako at kindatan. Naman! Kitang umiiwas tapos ay ganito naman ang mangyayari. Umupo ako sa nakalaang upuan para sa'kin. Sa tabi ni Zachary. So kailangan ko na bang pasalamatan o batukan si Evan? Come on, alam naman niyang umiiwas ako eh!


Oo, sinabi ko sakanila ni Taira na may hindi tamang nangyayari sa'kin. Silang dalawa lang ang sinabihan ko na 'medyo' may gusto ako kay Zachary. Pagkahumaling na dapat ay pigilan ko na habang maaga pa. May Grace nang nalilink sakanya at hindi magandang madawit ang pangalan ko sakanilang dalawa. Kilala lang ako ng iba na kaibigan ng apat dahil kay Taira na kababata ko at kaclose naman nila. Hanggang doon lang.


"Bwisit." bulong ko kay Evan na nginisian lang ako habang sumusubo ng fries. Pag ako gumanti, makikita mo! Ipagkakanulo kita sa kapatid kong obsess sayo.


Nahagip ng tingin ko ang matang nakatitig ni Zachary. Hindi ba dapat ay si Grace ang titigan niya ng ganon? 


Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Kasalanan mo itong lahat, Zachary! Ngunit imbis na mainis ako sa presensya niya tulad nalang nang dati ay hindi ganoon. Hindi na tulad ng dati! Ewan ko nga ba sa sarili ko. Ako lang ata ang may gusto sa isang tao na umiiwas at takot rito. Taliwas sa nararamdaman ko ang ipinapakita ko sakanya.


"Guys, nakascore ako!" masayang pagmamayabang ni Inigo. Natigil kaming lahat sa pagkain at naglalakihang matang tiningnan si Inigo. Ano nanaman kaya ang sinasabi nito?


"O talaga kanino? Baka naman imahinasyon mo lang yan." naghahamong wika ni Taira. Tinitigan niya si Inigo habang humihigop ng kanyang pineapple juice.


Kumagat ako sa sandwich ko habang nakikinig sakanila. Tuwing magkakasama kami ay hindi nawawala ang ganitong klase ng usapan lalo na at nandito si Inigo na kada araw ata ay iba't iba ang babaeng bukambibig. Bumaling ako kay Evan na nasa tabi ko at busy sa binabasa. May pagkanerd talaga ang isang to. Si Taira,Inigo,Clifford at Zachary lang ang nag uusap tungkol sa 'score' ni Inigo.


"Kay Ms. Kye." nanlaki lalo ang mata ni Taira na agad binatukan ang pinsan. Si Ms. Kye ang teacher namin sa pe at hindi nalalayo ang edad sa'min. Maganda rin siya at sopistikadang tingnan.


"For real?! Nakadrugs ka ba?" hinawakan ni Taira ang magkabilang pisngi ni Inigo gamit ang isang kamay at inilapit niya ang mukha niya rito.



"Hayaan mo nga siya!" inis na wika ni Clifford habang sinusubukang tanggalin na ang pagkakahawak ni Taira sa kanyang pinsan. Masyadong possessive, mapaghahalataan ka na niyan.

Bound to be HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon