Chapter 11

170 7 0
                                        

Spending Time with Him

Chapter 11

Mas malapit


"Don't rely on someone for your own grade's sake. Grade mo yan. Gamitin mo nang utak mo kung meron ka man." marahas itong sinabi ni Zachary habang matalim na tinitingnan si Carl. Bakas ang pagkalito at takot kay Carl nang binawi niya ang librong nasa harap ko at aalis na sana kung hindi ko lang siya hinawakan sa braso.


"Calm your tits, man. Nagpapaturo lang naman yung bata, hayaan mo na."


"Ano bang problema mo, Zachary? Pati bata ay inaaway mo!" dagdag ko sa sinabi ni Inigo.


Tumayo ako bitbit ang sandwich at juice kong hindi pa nauubos. Naglakad kami ni Carl palapit kay Mikael na lumalagpas ang tingin sa'min.


"Ate, diba ay si Zachary Jimenez yon? Boyfriend mo pala?" pang uusisa ni Carl nang makaupo kami.


"Oo. Siya. Pero di ko siya boyfriend." may Grace na kase siya...


"Ganon? E bakit ang possessive sayo?" nagkibit balikat lang ako. Parang hindi naman e, baka dahil ayaw lang niya na maging dependent ang isang tao sa iba? Oo, sige Zyrish. Paniwalaan mo ang kababawang iyan.


"Nakakatakot. Magpapaturo lang naman ako ng ilang sagot sayo pero kung makareact si kuya akala mo naman buong taon kong inaasa sayo ang grade ko." natatawang sinabi ni Carl. Oo nga naman, Oa ni Zachary.


"Nakakaimbyerna talaga!" tumingin ako kay Taira na nagsalita. Bakit sya sumunod? Lumipat lang naman ako ng upuan dahil maiinit ang ulo ni Zachary kay Carl, mamaya rin pagkatapos kong turuan ang dalawa ay babalik naman ako sa pwesto ko kanina. 


Agad na naputol ang nasa isip kong pagbalik nang makitang papalapit si Grace kay Zach. Nanliliit matang tiningnan ko ang walang kamalay malay na si Zachary at sinundan ang kanyang tinitingnan. Awtomatikong nabitawan ko ang braso ni Carl nang marealize ko na hawak ko pa rin siya at yoon ang tinitingnan ni Zachary.


"Dito nalang din ako." sabi ni Clifford na prenteng umupo sa tabi ni Taira.


"Ako rin." malamig na sabi ni Evan at uupo na sana sa tabi ko kaya agad akong umusod para tumabi kay Carl. Ngumiti ako at kinindatan siya na matalim naman akong tiningnan. Ano ka ngayon? Akala mo ikaw lang ha. Ayaw ko sanang ipilit ang ayaw pero hindi naman masama kung minsan kong subukan diba? Pinalapit ko sakin si Zandra Mikael na hindi na mapakali dahil sa pagtabi sakanya ni Evan. 



Limang tanong ang hindi nila nasagutan. Ang dalawa rito ay hindi ko alam. Nasa pang apat na tanong na ko nang marinig ko ang boses ni Inigo. Tiningnan ko siya saglit bago tumingin sakanyang likuran. Nanlaki ang mata ko ng makitang nakapako pa rin ang tingin ni Zachary dito kahit na panay dada si Grace sakanyang tabi. Tinitingnan na rin sila at pinagbubulungan ng iba  pero parang wala pa rin siyang pakialam na nakatitig lang dito.



"Dito rin ako. Hindi pang third wheel ang mukha 'to." sabi ni Inigo at itinabi ang hila hilang upuan sa tabi ni Evan na ayaw pa rin tantanan ang librong binabasa. Bakit niyo iniwan si Zachary doon mag isa kasama si Grace?! Parang gusto ko tuloy wag na turuan sila Carl at bumalik sa table namin kanina. 

Bound to be HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon