Spending Time With Him
Chapter 5
Sabay
"Kumakain na pala kayo." napaangat ako ng tingin at nagkatinginan kami ni Gavin na basa ang buhok iba na ang damit at may tulwalya na nakasabit sakanyang leeg.
Tumango naman at nakipagfist bump sakanya ang apat na lalaki.
"Oy Desree! Tagal mo kase. Gutom na kami." sabi ni Inigo at pinapapak ang bagong hawak na chicken.
Gavin Desree Sy ang buong pangalan ni Gavin. At noong bata pa kami ay palagi namin siyang tinatawag ni Taira na Desree na ayaw na ayaw naman niya. Pangbabaeng pangalan daw kasi iyon.
Naglakad siya ng hindi nawawala ang ngiti sa mukha at umupo sa upuang inupuan ko kanina na nasa aking tabi.
"Nigo! Ang laki mo na ah! Binata na. Balita ko may date ka ngayon? Ano kamusta? Maganda ba? Anong itsura?" dirediretsong sabi ni Gavin.
Kinuha niya ang platong may chicken curry at nilagyan ang aking plato.
Namataan ko ang tingin nila sa aming dalawa ni Gavin. Siguro ay hindi pa nila alam na magkababata kaming dalawa.
"Thank you." nahihiyang sabi ko sakanya.
"Desree, half ka ba?" paglipat nanaman ni Inigo sa usapan na tanging si Gavin ang ang hindi nakapansin.
"Huh? Anong half? Tsaka wag ngang Desree!"
"Umoo ka nalang!" utos ni Inigo na parang sabik na sabik na sa sasabihin niya.
"Oo? Anong half ba?" naguguluhan pa ring tanong ni Gavin at sa akin siya tumingin kaya nagkibit balikat lang ako. Ayokong sirain ang moment ni Inigo at baka ako naman ang mapagtripan niya kahit pa hindi kami close.
"Half German half shepherd. HAHAHAHA." humagalpak ng tawa ang lahat hanggang sa nakitawa na rin si Gavin.
"Slow mo!" sabi ni Inigo na tinawanan lang ni Gavin.
"Ang corny mo kase!" tumatawa pa ring sagot ni Gavin.
"Baka kamo horny, Kuya." sabi ni Taira at tiningnan siya ng seryoso ni Gavin at Clifford. Habang Si Zachary, Inigo at Evan ay nagtatawanan.
"Kanino mo ba natututunan yan? layuan mo nga. Ginagapangan na ng kahalayan ang utak mo, Taira." Pangral ni Gavin na seryoso pa rin hanggang ngayon.
"Kay Zyrish?" sabi ni Taira na ikinabigla ko.