Spending Time With Him
Chapter 6
Gusto
"Ate, gising na. Tanghali na." pang gigising ng kapatid ko.
Naramadaman ko ang sunod sunod niyang pagtapik sa paanan ko. Tamad akong dumilat at kinusot ang aking mga mata. Tumingin ako sa gawing kanan kung nasaan ang orasan at agad ding napatayo ng makitang alasais y medya na ng umaga at trenta minutos nalang bago magsimula ang una kong klase.
"Bilisan mo ate. Sabay tayo pumasok. May pag-uusapan tayo." sabi ni Zandra na ngayon ay nakauniporme na at inaayos nalang ang kanyang buhok sa salamin.
Mabilis akong tumakbo patungong banyo at agad na naghubad. Lumabas lang ako ng kwarto matapos mag uniporme at magsuot ng sapatos.
"O Mitsel, umupo ka na at nang makakain na." umupo ako sa tabi ni Mikael at sumandok ng kanin.
"Anong pag uusapan natin?" tiningnan ko si Zandra habang inaabot ang plato ng hotdog.
"Ate, may kilala ka bang Evan sa bagong school natin?" tanong niya habang ngumunguya.
Tumusok ako ng dalawang hotdog at kinagatan iyon.
"Evan?" kinunot ko ang aking noo. Si Evan Rafael na kaklase ko lang ang alam kong Evan sa school.
"Evan Gozon daw, ate e. Nakasalubong ko siya kahapon sa may tapat ng building nyo, hihintayin dapat kita kaso nadistract ako dahil sakanya. Ano kilala mo? Crush ko na ata siya, ate. Ang gwapo gwapo tapos ang tangkad pa kaya lang ay mukhang suplado. Gr.12 din siya kagaya mo. Kilala mo?" dire- diretsong sabi ni Mikael.
Ito talagang batang ito, inuuna pa ang paglandi imbis na pag aaral. At isa pa, kakakita palang niya ay crush na niya kaagad?
"Oo. Kaklase namin siya ni Taira." ayokong sabihin na nakakasabay at nakakasama ko si Evan at mas lalong wala akong balak sabihin kay Mikael na malapit si Taira sa mga kaibigan ni Evan. For sure, kukulitin lang niya ang kaibigan ko.
"Ay talaga? Ang swerte mo naman! Iclose mo nga siya ate tapos ipakilala mo ako." aniya at mas lumapit pa sa akin.
Tiningnan ko lang siya ng masama. Talagang may balak pa siyang gamitin ako ha.
"Ma o, si Mikael kumikirengkeng!" sabi ko na tanging kami lang ni Zandra Mikael ang makaririnig.
"Wag ka maingay, ate! Baka marinig ka ni mama at mapagalitan pa ako." Suway niyo sakin habang nakalagay pa sa bibig ang kanyang hintuturo.
"Bilisan mo na nga lang kumain diyan. Malalate na tayo." Utos ko.
Pagkatapos naming kumain ay madali kaming umalis at naglakad papuntang school. Hindi naman gaanong malayo kung lalakarin mo mula sa condo papuntang Carson. Siguro aabot lang ng limang minuto. Nang nakarating na kami sa Carson University ay naghiwalay na kami ng kapatid ko.
"Kapatid, aral muna bago landi ha. Ingat!" pahabol ko na sigurado naman akong narinig niya.
Naglakad ako ng diretso at sumakay ng elevator papunta naman sa building ng room ko. Papasok na ako sa loob nang biglang may kumalabit sa akin.
"Hello. Ikaw ba si Zyrish?" tanong nang isang babaeng may full bangs na may subong lollipop.
Tumango ako at ngumiti. "Oo. Bakit?"
