Chapter 9

176 9 2
                                        

Spending Time with Him

Chapter 9

Nakakainggit


"Ang galing niyo na ah! I mean, hindi sa hindi kayo magaling dati pero ibang-iba na kayo ngayon. Mas magaling!" Puri ni Taira sa tatlong lalaking naglalakad palapit sa aming dalawa.


Tanging si Inigo lang ang huminto at naiwan upang kausapin ang mga babae nilang fans na nagpapapicture at nagpapaautograph. Well, hindi naman lahat ay binigyan niya ng pansin. Yung magaganda at sexy lang ang inentertain niya. Tsk. Boys!

Isa isa kong tiningnan at nginitian sina Evan, Clifford, at Zachary nang nakatayo na sila sa aming harapan.

Nginisian ako ni Evan at Zachary habang si Clifford naman ay nakatoon ang pansin sa katabi niyang si Taira.


"Zy, sumakay ka na sa kotse ko. Ako na ang maghahatid sayo pauwi." iminuwestra ni Evan ang pinto ng shotgun seat.


Gusto ko sanang sabihin na kay Zachary nalang ako sasabay kaso ay nahihiya naman ako kay Evan na nagprisinta na ngang maghatid ay tatanggihan ko pa.


"I'll drive her home." Seryosong saad ni Zachary na matamang tinitingnan si Evan.


Tiningnan ko siya at sinamaan lamang niya ako ng tingin. Wala naman akong ginawa ah!


"Hay nako, ayan nanaman kayong dalawa. Basta ako kay Clifford magpapahatid." Wika ni Taira at kusa nang sumakay sa loob ng sasakyan ni Clifford.


Si Clifford naman ay nakatayo lang at tulala sa biglaang pagsakay ni Taira sa kanyang kotse. Natauhan lamang siya ng tawagin ni Taira ang kanyang pangalan. What's the big deal, anyway? Ihahatid lang naman niya si Taira.


Nabalik ang tingin ko kay Zachary nang biglaan siyang nagsalita.

"Ako na ang maghahatid. Ako ang sumundo, ako ang mag uuwi." Mariin niyang sabi.


"Why don't you ask her instead?" nagtaas ng kilay si Evan na tila nanunura pa.


Tumingin silang dalawa sakin. Si Evan ay nakangiti at tila natutuwa sa nangyayari habang si Zachary ay nakakunot noo.


O-kay... What's with them?

"Ang mabuti pa, ako nalang ihatid mo, dude. Si Zachary na kay Zyrish. Tapos ang problema niyo. Nakatipid pa ako." singit ni Inigo na mapungay na ang mga mata.

Gabi na rin kaya malamang na inaantok na si Inigo dala na rin siguro ng pagod.


"But..." Magsasalita pa sana si Evan ngunit mabilis siyang hinatak ni Inigo.


"But my ass! Tara na, antok na ko." sabi ni Inigo saka tuluyang nahila si Evan sa kanyang sasakyan.


"Bakit ba kase wala ang kotse mo?" Tanong ni Evan.


"Kapag nagdala ako ng kotse, magpapauwi pa ang mga babae. Aksaya sa gas. Buti sana kung ..."


"Oo na. Wag mo nang idetalye. Naiintindihan ko na." Awat ni Evan kay Inigo.

Napailing nalang si Evan sa kanyang kaibigan. Pagkatapos niyang ilagay ang gitara niya sa likod ng kanyang sasakyan ay sumakay na rin siya.


"Magdala ka na ng sarili mong sasakyan sa susunod!" narinig kong sabi ni Evan pagkabukas ni Inigo ng pinto.


Nauna nang umandar ang sasakyan ni Clifford at medyo malayo na sa'min. Sumunod naman ang kay Evan kaya tiningnan ko si Zachary.


Bound to be HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon