Spending Time with Him
Chapter 15
Tikim
Hatinggabi na at nagsisimula nang magsi-uwian ang mga panauhin sa bahay nila Evan. Tinakpan ko ang bibig ko ng maramdamang nahihikab nanaman ako. Hay, kanina pa ko inaantok. Hindi ko alam na nakakapagod rin palang umupo ng ilang oras.
Kaming tatlo nalang ang nandito sa table nine. Si Nicole ay bumalik sa dalawa niyang kasama. Ang mga lalaki naman ay lumipat ng pwesto nang magkayayaang mag inuman. Pumayag naman ang daddy ni Evan kaya walang naging problema. Kaming mga babae naman ay pinagbawalan nilang makisali. Ika nila ay hindi pa kami pwedeng uminom ng beer o kahit anong liquors. Para namang hindi kami magkakasing edad.
"So, may gutso ka kay Evan? Kelan pa?" pang uusisa ng kaibigan ko sa aking kapatid.
Nalaman niyang may gusto si Zandra Mikael kay Evan. Sisihin nalang natin ang mapangahas na bibig ni Inigo. Siya kase ang nagsabi kanina nong nag aaway sila ni Taira patungkol sa ' kalandian' ng pinsan niya habang kasakasama ang kapatid ko.
Kaya ayan mula nang nalaman ni Taira ang bagay na iyon ay hindi na niya tinigilan ang kapatid ko. Ayaw magpaawat sa pang iintriga. Ang akala ko pa naman dati ay si Zandra ang mangungulit at hindi siya tatantanan hanggat hindi siya nito nalalakad kay Evan... mali pala ako. Maling mali.
"Nung... pasukan pa." nahihiyang sagot ni Mikael.
Malapit naman silang dalawa ni Taira. Sa tagal ba naman naming magkakasama simula palang noong mga bata pa kami, noong sa Bulacan pa kami naninirahan, ay hindi imposibleng maging malapit din sila sa isa't isa.
"Nalove at first sight yan." natatawa kong sabi.
Sinamaan naman ako ng tingin ng kapatid ko pero patuloy lang ako sa pagtawa. Bakit? Totoo naman kaya ang sinabi ko! Siya pa nga mismo ang nagsabi noon sakin dati eh.
Natawa rin si Taira.
"Ganon ba? Pero bakit siya? I mean he's cold and distant to people. He's a frigid kind of man.Hindi sa sinisiraan ko si Evan, Zandra ha. Curious lang talaga ko. Of all people, why him?" aniya
"Yun nga yung..uhh.. dahilan ko. He's distant and mysterious na lalong nakakapagpadagdag ng appeal sakanya. Lalo siyang gumagwapo para sa akin kapag nagsusuplado siya." hindi maipinta ang mukha ng kapatid ko habang nagsasalita.
Well, mixed emotions it is.
"Oh. I see. Ang gusto pala ng Mikael natin ay isang stony-hearted type of man. Yung tipong malamig at misteryoso."
"Evan's not that cold- hearted naman. Hindi naman natin siya magiging kaibigan kung masyado siyang aloof sa ibang tao diba?" pagtatanggol ko kay Evan.
"Pero mapili siya. Phikan." sagot niya. "Anyway, ano nga palang regalo mo kay Evan? Or meron ba? Kami kase ng kapatid mo wala e." natatawang tanong ni Taira.
"Oo. B-binigyan ko siya ng B-bose headphones." sagot niya saka ipinakita sa'min ang isang hugis kahon na nakabalot sa blue wrapper.
Mabuti pa tong kapatid ko may regalo. Dinaig pa kaming dalawa ni Taira na naturingang mga kaibigan.
"Nice gift! Siguradong magugustuhan ni Evan yan. Lalo pa at hilig niyang makinig sa music." sabi ko.
For sure, mahal at hindi basta bastang makapili lang ng headphones ang binili ng kapatid ko kaya kahit naman siguro maraming pambili si Evan ng ganoon ay maaappreciate naman niya ang bigay ni Zandra Mikael.
"Oo nga. Hindi ko naisip yon ah! Baka naman kiligin niyan si Evan." panunukso ni Taira.
"Tingin niyo magugustuhan niya 'to?" painigurado ng kapatid ko.
