Prologue

764K 11.2K 378
                                    



"Inaway ka na naman ba ng French Macarons?" Natatawang tanong ni Miles at inakbayan ang nakasimangot na girlfriend. Alam ng binata na hindi na ito sasagot kapag French Macarons na ang pag-uusapan.

Umiling lang si Samantha nang maalala ang nangyari sa restaurant kanina. At tama nga si Miles. Isang episode na naman ng Samantha vs. French macarons ang nangyari. At tulad ng mga nakaraang episodes, tinalo na naman siya ng mortal enemy niyang French macarons.

"It's alright. You can get it right next time," ang sabi ni Miles sa kanya habang nakapila sila papasok sa isa sa mga capsules ng Singapore Flyer.

She just smiled. Napatingin siya sa unahan ng linya. Isang grupo ng mga turista ang nasa harapan nila. Matapos makapasok ang mga ito sa capsule ay umabante na sila. Hindi masyadong matao ang Singapore flyer sa ganitong mga oras na 'yon. Sila na lang ang pinakahuling nakapila. Ngumiti sa kanila ang attendant nang sila na ang pumasok sa sumunod na capsule.

Hindi niya alam kung bakit nagyaya si Miles na sumakay muli ng Singapore Flyer. The last time na nakasakay sa dito ay siya ring unang pagkakataong nagkita sila ni Miles. That was ten months ago to be exact. Kasama niya si Irene at ang pinsan nito noon. First time ng pinsan ni Irene sa Singapore kaya't inilibot nila ito sa mga popular na tourist spots.

"This is where we first met," ang sabi ni Miles sa kanya habang nakatingin sila sa labas ng capsule. "Hindi ko makakalimutan. You were standing in the corner and the capsule was full. There were 28 people inside including the two of us. Kasama ko ang mga kaibigan ko at kasama mo rin ang mga kaibigan mo. You were looking nervous kaya't nilapitan kita at sinabi kong—"

"Are you afraid of heights?" Putol ni Samantha sa sinabi ni Miles at malakas na tumawa. Mabuti na lang at silang dalawa lang ang nakasakay sa capsule.

"And you said..."

"Of course not!" Hindi mawala ang ngiti ni Samantha habang nagsasalita. Hindi siya makapaniwala na naalala pa rin ni Miles ang sinabi niya. Miles is not the romantic type. He's more of a practical boyfriend. "And I said—"

"No, I'm just hungry!" Tinapos ni Miles ang sasabihin pa sana ng girlfriend.

"Ano ba, Miles? Magtatawanan lang ba tayo dito?" Kunwari ay galit na sabi ni Samantha. Ang totoo ay nahihiya siya. Noong araw kasi na ipinasyal nila ang pinsan ni Irene ay last day ngpagda-diet niya. Galing sila s Food Trail at tubig lang ang in-order niya habang si Irene at ang pinsan nito ay parang mauubusan sa dami ng pagkaing in-order. Kaya ayun, hindi maipinta ang mukha niya habang nakatayo sa loob ng flyer.

Ngumit si Miles pagkatapos ay naging seryoso ang mukha nito.

"When we reach the top, gusto ko kunan mo ako ng picture," ang sabi nito.

Tumango si Samantha. It takes 28 minutes for the flyer to complete its turn. At ilang minuto na lang ay mararating na nila ang pinakamataas na bahagi ng flyer.

"Darn it!"

Mabilis na napatingin si Samantha kay Miles na hawak ang smartphone.

"Anong nangyari?"

"My phone's dead," naiiritang sagot nito.

"We'll just use my phone. Huwag ka nang magalit," ang sabi niya sa rito.

"We're almost at the top. Get your phone ready," ang sabi ni Miles. "You stand over there at siguraduhin mong makuha mo ang buong view, okay?"

"Yes, sir!" Pagbibiro niya at naglakad patungo sa kabilang bahagi ng capsule. Umandar na naman ang pagkapalautos ng boyfriend nito.

"We're almost there. Get ready!" Malakas na sabi ni Miles.

Ngumiti lamang siya habang nakatingin dito. She felt silly standing at his opposite direction.

"Ba't nakangiti ka lang? Get your phone. We're almost there!"

Mabilis na kinuha ni Samantha mula sa kanyang bag ang kanyang smartphone.

"Put your bag down so you can take a better picture."

Sinunod niya ang sinabi ni Miles pagkatapos ay inihanda ang smartphone.

"Make sure to turn off your flash. Hindi mo na kailangan ang flash."

"Alam ko," ang sagot ni Samantha at dali-daling sinigurado na naka-off ang flash ng smartphone niya.

"Samantha, ano ba? We're here! I don't want to miss it!"

"Sandali sandali," natataranta niyang sagot. Ano ba kasing nakain ni Miles at gusto nitong magpakuha ng picture?

Itinaas niya ang smartphone at akmang itututok sa direksyon ni Miles nang mapansin na video pala at hindi photo ang napindot niya.

"Samantha?"

"Wait! Video kasi ang napindot ko hindi—"

She stopped when she noticed what her phone is recording. Bigla siyang kinabahan. Wala sa sariling naibaba niya ang smartphone at napatingin sa direksyon ni Miles. Nakangiti ito sa kanya at may hawak itong papel. Before she can say anything ay binigkas ni Miles ang mga salitang nakasulat sa papel.

"Marry me?"

The President's Son [PUBLISHED under POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon