Chapter Twenty-Three: Deviled Eggs

297K 6.4K 99
                                    


Four Years Ago

"Isa pa nga nitong...nitong...ano nga ba itong iniinom ko?" tumatawa si Adrian habang kinakausap ang bartender. Hawak-hawak niya ang isang cocktail glass na wala ng laman.

"Old-fashioned whiskey" ang sabi ng bartender.

"Kung ano man itong old-fashioned na ito, bigyan mo pa ako ng isa," ang sabi niya habang pinaglalaruan ang slice ng orange na nasa loob ng glass.

"This will be your fifth glass, Adrian." Nagdadalawang-isip ang bartender sa pagbibigay ng order niya.

"May pambayad ako. Huwag kang mag-alala. Sige na. Go get my drink —"

This is the third time he went for a drink in this bar ever since he got home from New York three days ago. The first time ay nasukahan niya ang bartender na kaharap niya. At kagabi naman ay nakalimutan niya ang wallet niya.

"— ano nga bang pangalan mo? Joe? Joseph? Jordan?" natatawang tanong ni Adrian.

"Jacob. Lasing ka na," ang sagot ng bartender. "Ganyan ka rin kagabi noong malasing ka."

"Come on, Jacob. Mas masarap naman kasi itong old-fashioned keysa doon sa beer na ininom ko kagabi."

"Here," sabi ni Jacob sabay bigay sa kanya ng bottled water. "Ito na muna ang inumin mo."

Iniwan siya ni Jacob at hinarap nito ang ibang customer. Napatingin naman si Adrian sa bottled water. Napatawa siya. He doesn't want that. He wants something stronger para makalimutan niya ang kanyang nararamdaman.

"Hoy, Jacob!"

Lumingon sa kanya si Jacob at itinapon niya dito ang bottled water. Mabuti naman at nasalo ito ni Jacob. Mabilis itong lumapit sa kanya.

"Ano ba? Huwag ka ngang magulo," inis na sagot nito.

"Sige na. Isa pa nitong old-fashioned. Maawa ka naman. Alam mo naman ang pinagdaraanan ko." Kunwari ay nagmamakaawa si Adrian.

"Tigilan mo na nga ako sa kadramahan mo. Narinig ko na lahat ng 'yan kagabi. At alam mo naman kung anong sinabi ko, di ba? Kung mahal mo, habulin mo. May mag-da-drive ba sa'yo pauwi?"

Sandaling nag-isip si Adrian.

"Hindi ko naman yata dala 'yong sasakyan ko. Mag-ta-taxi na lang ako pauwi."

"Last mo na 'to, ha?" ang sabi ni Jacob sabay bigay sa kanya ng isa pang glass ng inumin.

"Alam mo, malulugi 'tong bar na'to dahil diyan sa ugali mo. Customer ako, ha, customer. Hindi mo ako dapat hinihindian. Kilala mo ba kung sino ako?" ang tanong ni Adrian habang iniinom ang laman ng baso.

"Heto na naman tayo. Alam mo ilang beses ko nang narinig 'yang linyang 'yan. At hindi oobra sa akin 'yan — "

"I am Adrian Miguel Silva, anak ako ni senator — "

"Shhh! Huwag ka ngang magkalat dito. Lalo pa't anak ka pala ng isang importanteng tao. Huwag mong ipahiya ang mga magulang mo," napapailing si Jacob habang kinakausap si Adrian. Mabuti naman at hindi sila pinapansin ng ibang customers.

"Umalis ka na nga. Asikasuhin mo na 'yang mga customer mo," ang sabi ng binata.

Hindi pa rin mabubura sa isipan ni Adrian ang nakita niya nangg pumunta siya sa New York. Susurpresahin niya sana si Samantha pero siya pa ang nasorpresa.

The President's Son [PUBLISHED under POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon